^

Pang Movies

Atasha, may gusto pang diskubrehin sa Manila

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Atasha, may gusto pang diskubrehin sa Manila
Atasha.
STAR/ File

May pa-sample ang main cast ng Bongga Ka, ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical sa tribute concert sa Hotdog last weekend.

At dito nila pinag-usapan kung bakit ba binabalik-balikan ng marami ang Manila hanggang sa kasalukuyan.

Ayon sa cast of Bongga Ka, ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical, maraming bagay upang mahalin mo at diskubrehin ang Manila.

Maaaring magsimula sa mga museum nito, dumaan sa isang lumang kapitbahayan o mag-chill sa café, at tumikim ng mga Filipino comfort food.

Ang ideya ay hango sa Manila ng bandang Hotdog, ang nostalgic classic featured na mapapanood sa musical. Tulad ng kanta, ipinagdiriwang ng mga cast ang Metro Manila na lampas sa trapiko at mataong mga kalye nito.

Para kay Atasha Muhlach, na gumaganap bilang Annie Batungbakal, ang pinakamagandang paraan upang maunawaan ang Maynila ay ang makita kung paano patuloy na namumuhay ang luma at bagong kapit-bahayan.

Ang una raw niyang hihintuan ay ang National Museum, kung saan maaaring mabilis na makikilala ng mga bisita ang sining, kasaysayan at pamana ng bansa. “I would take them to the National Museum of the Philippines. It’s really good to see the effort they’re putting into preserving part of Philippine history. To see all of that and learn about different aspects of the Philippines is really nice,” sabi niya.

Si Sam Concepcion, na gumaganap na Romer, ay gusto ring itodo ang museum visit into a full cultural itinerary. “If it’s something more historical or cultural, you’d probably bring them to Intramuros, bring them to Chinatown, the oldest Chinatown or to Pinto Art Museum in Antipolo, and the National Museum.”

Pagkatapos maglakad-lakad sa mga museum at mga old neighborhood, ang susunod na gawain ay simple lang: maghanap ng masarap kainan. Si Jeff Moses, na gu­maganap din bilang Romer, ay mahilig mag-explore sa mas tahimik na mga café sa paligid ng Salcedo Village sa Makati. “Marami silang coffee shops na hindi masyadong matao. Masarap iyong coffee. Iyon iyong mga pinupuntahan ko.”

Si KD Estrada, na gumaganap bilang si Burn Rivera, has a similarly relaxed option for anyone staying in the South. “Kasi, as a South boy, mahirap maghanap ng go-to place, and we always go out of our way to meet people. My friends are from the North, and my work is always in the North, so I barely have time to go around the South. But when I’m in the South, I usually go to Westgate because it’s very chill. May mga cafés diyan, and I like to eat around there.”

Meanwhile, ang tahimik na lugar ni Sam ay may kasamang mga burger. Inirerekomenda niya ang Flipside sa Pasig para sa isang madaling kainan na malayo sa mataong mga restaurant. “You know what I like? Burgers. What’s the burger place called Flipside, near my place in Pasig.” He added, “It’s nearby. There are so many burger spots these days; I think that’s one of the quieter ones.”

Para kay Anthony Rosaldo, na gumaganap bilang si Romer, ang malinaw na sagot ay sinigang. Ang masayang bahagi ay ang pagpili kung aling version ang o-order-in. “Ako, sinigang. Paborito ko kasi siya, at marami siyang versions. May sinigang na baboy, may hipon. May sinigang sa bayabas, may sinigang sa miso.”

Pinipili ni Moses ang isa pang paboritong Filipino food: ang chicken inasal na nagpapaalala sa kanya ng kanyang tahanan.  “Filipino food, siyempre, taste of home—inasal. May kinakainan kami sa QC, tapat ng Bo’s Coffee around the Scout area: Bacolod Chicken Inasal. Sobrang lapit ng taste sa Bacolod.”

Isinama rin ni KD ang mga bumibisitang kaibigan para sa inasal, kahit na nangangahulugan ito ng pagpunta sa Makati. “Kung first time talaga, I’ll go out of my way and bring them to Makati, tapos Chicken House Express.”

Ang idea ng cast of relaxing is refreshingly simple: eat, talk, and shake off the day. At para kay Moses, ang Brotzeit sa Newport World Resorts ay naging isang paboritong tambayan pagkatapos ng kanilang rehearsal. “Brotzeit, siguro, dito. If it’s theater, magkakasama kami. Doon kami nagpa-“pagpag” from the characters. Quick catch-up before umuwi, before we leave our workplace. After kumain and mag-bonding. Isa siya sa mga places na late magsara rito sa Newport. Masarap iyong food and masarap iyong kasama, siyempre, kasi kami-kaming mga katrabaho.”

Ganundin ang habit ni KD. “If it’s here in Newport, usually Brotzeit. Naging tambayan. Parang debrief namin as characters, and then we get to be ourselves for a few hours.”

Rosaldo’s recovery plan is quieter and particularly useful after rehearsals and workouts. “Since nagre-rehearse ako, madalas din akong mag-workout. Medyo athlete era ko ngayon, so nag-HYROX ako. Iyong pinaka-unwind and relaxation time ko is when I go for massages.”

Ang landmarks and restaurants give those visiting plenty to do, pero naniniwala ang cast na ang pinakamalakas na pang-akit ng Manila ay ang mga tao nito. Tinutukoy ni Atasha ang init na madalas na naaalala ng mga bumisita pagkatapos nilang umalis. “At the end of the day, we’re very family-oriented, warm, and welcoming. It’s so nice to be proud to say that this is your community.”

Iyan ang dahilan kung bakit parang totoo ang mga tauhan sa “Manila” ng Hotdog. Maaaring bisitahin ang mga makasaysayang lugar at subukan ang iba’t ibang pagkaing Pinoy—ngunit ang mga tao at ang pakiramdam ng pagiging nasa sariling bayan ang dahilan kung bakit sulit balikan ang lungsod.

Kaya’t panoorin ang Bongga Ka, ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical na pinagtutulungan ng Newport World Resorts, in association with VIVA Communications and The Philippine STAR featuring Hotdog’s timeless hits. The show, staged with PETA Plus, is slated to open in September 2026 at the Newport Performing Arts Theater.

Tickets are now available online and at all TicketWorld outlets and at the Newport World Resorts Box Office: P4,500 (SVIP), P4,000 (VIP), P3,400 (GOLD), P2,400 (SILVER) and P1,300 (BRONZE).

ATASHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with