^

Pang Movies

Sunshine, inuna ang sakit kesa sa dream project

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sunshine, inuna ang sakit kesa sa dream project

Wasak ang puso ni Sunshine Cruz ngayon dahil sa pagtanggi niya sa isang magandang proyekto because of her health problem.

Nag-share ng health and life update ang aktres sa kanyang Instagram page at ina­ming na-hurt siya nang husto dahil pina­lampas niya ang kanyang dream project.

“A little health & life check-in. Having Myasthenia Gravis means learning to put my body first, even when it means passing on a dream project. Saying no this time hurt a lot but protecting my health is non-negotiable,” pahayag ni Sunshine.

Makikita rin sa mga larawang ipinost niya ang kanyang pagwo-workout na bahagi rin ng kanyang pagpapalakas ng katawan.

“Grateful for the daily routines, movement (Pilates + gym sessions!) and quality time with my favorite people keeping me grounded. One day at a time, always loo­king ahead!” aniya.

Matatandaang last year ay ibinunyag ni Sunshine na na-diagnose siya with Myasthenia Gravis na ayon sa Mayo Clinic, ay isang “rare chronic autoimmune disease that causes weakness in voluntary skeletal muscles.”

Bagama’t walang cure sa autoimmune disease, may mga treatment naman para ma-manage ang symptoms at ito ang ginagawa ngayon ni Shine.

Upang makapag-focus sa kanyang health, minabuti ng aktres na mag-lie-low muna sa pag-arte at marami na siyang tinanggihang proyekto.

Mika, napag-aralan na ang bashers

Inamin ni Mika Salamanca na nag-delete siya ng ilang applications para hindi na niya mabasa pa ang negative comments about her.

Bagama’t maraming fans ang aktres/singer, of course ay may bashers pa rin siya na hindi naman talaga maiiwasan.

Sa panayam sa kanya ng aktor na si Christian Bables sa vlog nito, natanong si Mika kung paano niya hina-handle ang mga kritisismo.

“Ang nagwo-work sa akin is nag-delete ako ng mga apps,” natatawa niyang sey.

Ngayon ay iba na raw kung paano niya i-handle ang ba­shings.

“Ang nagwo-work sa akin talaga ngayon is the art of dedma. The art of pagpili kung kailan mo dapat pakinggan ‘yung sasabihin ng iba,” sey ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Big Winner.

Dagdag pa niya, “aminin natin, masarap talaga magbasa ng comments. ‘Pag good ang comments, nakakaadik. Parang ‘Wow, they love me!’ May ganu’n talaga, eh.”

Pero once na nakabasa na raw siya ng hindi magandang comments, aminado siyang tao lang siya na naaapektuhan at naapektuhan.

Kaya naman nagdesisyon daw siya na huwag na lang magbasa ng comments.

Pinayuhan din daw siya ng isang direktor na dapat ay makikinig lang siya sa mga taong nagmamahal sa kanya.

“Kasi, maraming pwedeng sabihin ang iba’t ibang tao sa ‘yo, kahit ‘yung mga taong malalapit sa ‘yo, pero iba ‘yung mga taong mahal ka. Kasi ‘yung mga taong mahal ka, hindi ka ipi-please niyan. ‘Yung mga taong mahal ka, sasabihin kung ano ‘yung dapat para sa ‘yo, kung ano ‘yung mabuti at makakatulong sa ‘yo.

“May mga tao kasi na sasabihin lahat ng gusto mo lang marinig, eh. And hindi ‘yun ‘yung mga makakatulong sa ‘yo. Makakatulong sa ‘yo ‘yung mga bagay na ayaw mong marinig pero kailangan mo,” saad ng dalaga.

SUNSHINE CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with