Convoy ng BARMM chief minister niratrat!

COTABATO CITY, Philippines — Tinambangan at pinaulanan ng bala ang convoy ni Bangsamoro Chief Minister Abdulraof Macacua ng mga aramdong kalalakihan na nakaposisyon sa tabing kalsada ng Barangay Bito sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte kahapon ng hapon.
Sa inisyal na report ng pulisya, alas-4:45 ng hapon nitong Sabado habang bumabagtas ang tatlong sasakyan sa convoy ng BARMM chief minister nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang grupo na armado ng mga assault rifles.
Ayon sa mga aworidad, si Macacua ay kabilang sa sakay ng Toyota Land Cruiser na bullet proof, isa sa tatlong sasakyan na magkakasunod na bumabagtas sa lugar.
Inasintang pinatamaan ng mga bala ang nasabing SUV kung saan target sa ambush ang nasabing BARMM chief minister.
Sinabi nina acting commander of the Army’s 6th Infantry Division, Brig. Gen. Ricky Bunayog, at Brig. Gen. Michael Abecia, director ng PRO-BAR sa mga mamamahayag na nakikipagtutulungan na ang kanilang mga intelligence units sa mga opisyal ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station sa imbestigasyon sa nasabing pag-atake.
Dahil sa pagiging bullet proof ng tatlong sasakyan, hindi nasaktan at nakaligtas sa tiyka na kamatayan si Macacua at mga kasamahan bagama’t kitang-kita ang mga balang tumama sa mga behikulo.
Dahil sa mga putok na pinakawalan ng mga suspek sa ambush, nagpanik naman ang mga residente sa lugar.
- Latest


















