^

Probinsiya

Beybi, 2 pa patay sa lunod!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo katao kabilang ang isang bagong silang na sanggol ang nalunod sa magkahiwalay na insidente sa Sarangani, Zambales at Sultan Kudarat, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Sarangani Provincial Police Office, isang bangkay ng bagong silang na sanggol na babae ang natag­puang lumulutang sa Tual River, Kiamba, Sarangani noong Huwebes dakong ala-1:30 ng hapon. Ayon sa pulisya, pinag­hahanap na ang ina ng beybi para mabigyang linaw ang insidente.

Sa lalawigan ng Zambales, isang lalaki na nakilalang si Clark Aaron Domelon dela Cruz ang nasawi makaraaang tangayin ng malakas na agos habang tumatawid sa isang ilog ng Sta Cruz, Zambales sa gitna ng malalakas na pagbuhos ng ulan na dala ng habagat. Narekober ng mga elemento ng Philippine (PCG) ang bangkay noong Sabado, isang araw matapos itong malunod.

Sa isa pang insidente, namatay rin sa pagkalunod ang 57-anyos na si Andronico Tobis, residente ng Brgy. Taquisa ng bayang ito sa isang quarry site sa Brgy. Pansud, Lebak, Sultan Kudarat.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with