Water level sa 6 dam tumaas – PAGASA

MANILA, Philippines — Dulot ng walang tigil na pag-ulan sa Luzon, tumaas ang water level sa anim na pangunahing dam sa nakalipas na 24 oras, ayon sa PAGASA.
Tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam (Bulacan) – mula 180.10m naging 181.57m, na pinagkukunan ng 90% ng tubig ng Metro Manila; San Roque (Pangasinan) – mula 266.20m naging 267.40m; Ipo (Bulacan) – mula 100.70m naging 100.85m; Magat (Isabela) – mula 177.91m naging 178.01m; Pantabangan (Nueva Ecija) – mula 185.48m naging 186.09m, at Ambuklao (Benguet) – mula 751.61m naging 751.70m.
Samantala, bumaba ang water level sa Caliraya Dam (Laguna), Binga (Benguet), at La Mesa (Quezon City).
Ayon sa PAGASA, kakaunti ang ulan sa mga naturang lugar kaya bumaba ang antas ng tubig kahit patuloy ang malakas na pag-ulan sa ibang bahagi ng Luzon.
- Latest















