Barangay Love Stories, mapapanood na sa TV!

Mula sa pagiging #1 sa radyo at sa podcast, sa telebisyon naman mamamayagpag ang radio drama anthology na Barangay Love Stories dahil mapapanood na ito sa GMA simula ngayong September.
Mismong ang radio at podcast host na si Papa Dudut ang mangunguna sa TV adaptation ng Barangay Love Stories, kung saan tampok ang iba’t ibang kuwento ng pag-ibig na hango sa tunay na karanasan ng mga Pilipino.
Bukod sa pangunguna sa radyo, isa ang Barangay Love Stories sa mga pinaka-followed na podcast sa bansa na may mahigit 1.7 million followers. Nagwagi rin ito ng Spotify Creator Milestone Award last year matapos lumampas sa 100 million streams ang podcast nito sa Spotify Philippines.
- Latest






















