^

Probinsiya

Bus nag-dive sa palayan: 2 patay, 6 sugatan

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Bus nag-dive sa palayan: 2 patay, 6 sugatan
Nueva Ecija.
Google Maps

RIZAL, Nueva Ecija, Philippines — Dalawang pasahero ang patay habang anim pa ang sugatan makaraan umanong mag-dive ang sinasakyan nilang pampasaherong bus sa taniman ng palay bago sumabit sa isang puno at tumagilid sa kaliwang bahagi nito dahil sa madulas na kalsada sa Barangay Aglipay ng bayang ito, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Alexander Salvador Villajuan, 43, may-asawa, empleyado ng National Irrigation Administration (NIA), at residente ng Brgy. East Poblacion, Pantabangan, NE; at si Genelyn Sansano Carbon, 39-anyos, dalaga, ng Brgy. Ganduz, Pantabangan, NE.

Ang mga sugatan ay sina Mildred Grospe, 43, ng Brgy. East Poblacion; Alexis Villajuan, 13, dalagita ng Brgy. East Poblacion; Alendra Villajuan, 19, dalaga ng Brgy. East Poblacion; Clayden Villajuan, 30 ng Brgy. San Juan; Relyn Pimentel, 40, ng Brgy. San Juan; at Carnillo  Jacob, 51, ng Brgy. Cambitala, pawang sakop ng bayan ng Pantabangan sa Nueva Ecija.

Galing umano sa terminal nito sa Pantaba­ngan, Nueva Ecija ang pampasaherong airconditioned bus na Baliwag Transit, may body number 2011 at plate number NGK-8569, at patungong Cubao, Quezon City nang maaksidente ito pasado alas-4 ng madaling-araw nitong Biyernes.

Sa imbestigasyon, kalalagpas lang umano ng bus sa paahong tulay nang mawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber, at dahil sa mabilis ang takbo at madulas pa umano ang kalsada ay naging sanhi ito ng pagdausdos pababa ng bus sa palayan na may sakay na 16 na pasahero.

Nagtamo nang matin­ding pinsala sa katawan ang dalawang nasawi habang anim pang pasahero ang sugatang isinugod sa ospital.

Matapos ang insidente, sumuko ang drayber ng bus na si Norman Labrador, 41, may-asawa, ng Zone 1, Brgy. Villa Viniegas, Llanera, Nueva Ecija. Siya ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide, multiple physical injuries, and damage to properties.

AGLIPAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with