8 katotohanang nakagugulat pero may kabuluhan
1. Ang sanggol ay nangangatal dahil gutom at hindi dahil nagiginaw sila.
2. Huwag umpisahan ang isang pangungusap ng “Honestly” or “In all honesty”. Lalo kang magmumukhang insincere at dishonest.
3. Gusto mong ‘sumasabog’ ang curry flavour sa iyong nilulutong ulam? Haluan ito ng kaunting red wine, vinegar at asukal, na ang dami ay depende sa inyong panlasa.
4. Kapag nakikipag-usap sa duling o banlag, tumingin ka sa bridge ng kanyang ilong para hindi ka maging uncomfortable. At para rin hindi siya magkaroon ng pakiramdam na tinititigan mo ang kanyang mata.
5. Kung hindi pinahalagahan ng isang tao ang ginawa mong pabor para sa kanya, ang ibig sabihin lang noon ay walang halaga sa kanya ang ginawa mong pabor. Kaysa mag-ingay ka at mag-demand ng recognition, tandaan mo na lang ang pangyayaring ito at huwag mo nang uliting gawan siya ng pabor.
6. Kung gagamit ng olive oil sa pagluluto, gamitin ang regular olive oil at huwag ang extra-virgin olive oil. Mas mura ang regular olive oil at mas mataas ang smoke point nito kaysa extra-virgin. Kapag mababa ang smoke point, kaunting init lang ay umuusok na ito sa kawali at nagdudulot ito ng toxic fumes na masamang malnghap.
7. Bago mo i-diagnose ang iyong sarili na depressed ka o nakakaramdam ka na wala kang kuwentang tao, siguraduhin mo muna na hindi ka napapaligiran ng “assholes” or mga ungas na classmates, officemates, in-laws, kamag-anak, kapitbahay.
8. Humingi ng tawad sa mga anak kung ang magulang ay nagkamali. Iyon ang magtuturo sa mga anak kung paano madebelop ang integridad sa pagkatao.
- Latest


















