^

Bansa

Pagtaas ng retirement age sa PNP, BJMP, BFP isinulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang dalawang panukalang batas na naglalayong itaas mula 56 tungo sa 57 ang compulsory retirement age ng mga uniformed personnel ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa ilalim ng Senate Bill 2395, layon ni Lacson na bigyan ang PNP leadership ng mas mahabang panahon upang ipatupad ang mga reporma at masulit ang karanasan at kasanayan ng kanilang tauhan. Gayunman, ang mga may kulang sa isang taon sa serbisyo sa bisa ng batas ay maaaring ­magretiro sa edad 56. Ang incumbent Chief PNP ay mananatiling compulsory retirement sa edad 56.

Samantala, ang Senate Bill 2396 ay naglalayong itaas din sa 57 ang compulsory retirement age ng BJMP at BFP personnel upang mapakinabangan ang kanilang “expertise, leadership, and institutional knowledge” habang naipapasa ito sa mga nakababatang opisyal. Subalit, para sa mga may ranggong chief superintendent, director, o deputy director general, maaaring pahintulutan ng Commission ang isang taong extension na hindi na maaring dagdagan pa.

Binanggit ni Lacson na nakaayon ang mga panukala sa naunang pagbabago sa retirement age ng mga miyembro ng AFP. Kasalukuyang may 230,410 uniformed personnel ang PNP, 26,000 ang BJMP, at 41,286 ang BFP.

BFP

BJMP

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with