Misis nagsangla ng motor, inutas ni mister
MANILA, Philippines — Namatay habang dinadala sa ospital ang isang 35-anyos na misis matapos na siya ay saksakin ng kanyang mister na nag-akala na hindi hinulugan ang kanyang motor na isinangla nito naganap sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Refugio, Calatrava, Negros Occidental.
Ang nasawing ginang ay kinilala sa palayaw lamang nitong Milag, residente sa lugar na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.
Bantay sarado naman ng mga awtoridad ang 37-anyos na mister na kinilala lamang sa palayaw na Tito na nagsaksak sa tiyan nang mapatay ang misis.
Sa imbestigasyon ng Negros Occidental Provincial Police Office (PPO), nangyari ang insidente sa tahanan ng mag-asawa sa nasabing lugar.
Nabatid na nagkaroon umano ang mag-asawa ng mainitang pagtatalo nang awayin ng mister ang kanyang misis sa pag-aakalang hindi nito hinulugan ang nakasangla nilang motorsiklo na nais nitong mabawi na.
Subalit, hindi lamang umano nai-update ng ahente ng motorsiklo ang bill sa nasabing binayaran ng ginang na pinadaan nito sa Bayad Center.
Sa matinding galit ng mister ay pinagsasaksak ang misis na napuruhan sa tiyan at braso habang nagsaksak din siya sa tiyan at nahiga sa tabi ng huli kung saan isinugod sila sa pagamutan ng nagrespondeng mga pulis, pero nabigo ang mga doktor na maisalba ang buhay nito.
Nasa hospital arrest ang nasabing mister na nahaharap sa kasong parricide.
- Latest



















