^

PSN Showbiz

Dalawang bida ng teleserye, matindi ang away

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Naayos kaya ang tampuhan ng dalawang bida ng isang teleserye na kasalukuyan nating napapanood?

Meron silang mga malalaking eksenang kukunan sa isang lugar at magkakaroon sila ng pagkakataong mag-usap at magkaayos.

Sana maayos ‘yun dahil hindi nakakatulong ito sa promo ng kanilang proyekto.

Sa nakaraang interview sa cast ng naturang teleserye, wala roon si lead actor. Hindi sinabi ang dahilan ng absence ni lead actor.

Pero mahigpit na ipinagbilin na huwag itanong ito kay lead actress. Nahahalatang may something sila dahil parang nagpapatutsada raw si lead actress kay lead actor.

Nang tinanong nga namin ang bonding nilang dalawa, napakatipid ng sagot ni lead actress.

Hindi naman namin nahalata. Huli na lang namin nalaman na meron pala silang tampuhan.

Pero tingin namin maayos ‘yun at okay na silang dalawa. Ang galing pa naman nilang dalawa sa teleseryeng ito.

Vice, producer na ng TV5

Pasabog nga ang ipinatawag na media conference ng MediaQuest na ginanap sa Lighthouse ng Meralco Building sa Pasig kahapon.

Hindi binanggit kung sino itong ia-announce ni Mr. Manny V. Pangilinan na bagong makaka-collab nila.

Pero ang daming nakahula na si Vice Ganda ito.

Ano ang magiging partisipasyon ni Meme Vice sa Kapatid Network?

Papasukin ng kumpanya ni Vice Ganda ang production at magsu-supply sila ng mga programa sa TV5.

Napakagandang balitang ito, pero mala­king challenge sa Unkabogable Superstar, dahil inaasahan ng lahat na this time mapapalakas na niya lalo ang Kapatid network.

Ikinagulat ng lahat, lalo na ang mga taga-TV5 sa bagong collaboration na ito dahil hindi akalaing mangyayari ito.

Kaya si Vice Ganda talaga ang waging-wagi rito, dahil hindi lang sa Kapamilya channel siya hahataw, meron na rin ngayon sa TV5 at tuloy pa rin daw ang Gandang Gabi Vice niya sa GMA 7.

Ayon pa sa nasagap namin, dalawang taon lang daw itong kontratang napagkasunduan nina Vice Ganda at ng MediaQuest Holdings, Inc.

Iza, bumiyahe sa Basilan!

Sa Lunes, Aug. 17, na ang awarding ng Cinemalaya 22, at ang dami nang naghuhulaan o nagpo-post ng bet nilang magwagi ng awards.

Halos lahat na entries kasi ay magaganda at puwede talagang lumaban sa awards. Pero lahat nito ay depende sa Jury.

Pare-pareho ang bet ng karamihan na nakumpleto ang siyam na entries sa full length feature.

Naglalaban sa Best Actress sina Pokwang ng 2 Valid IDs at si Ruby Ruiz ng Status: Rejected. Pero marami rin ang puring-puri si Maxine Ignacio ng A.ni.Mal ni Direk Dustin Celestino.

Sa Best Actor naman ay sobrang aprub ang karamihan sa napakagaling na performance ng batang si Lucas Andalio ng peikulang Mag-iina. Sobrang galing naman talaga niya rito, pero lumalaban din si Ruru Madrid na kontrolado ang acting niya rito sa Hand of God.

Depende talaga sa Jury ito, dahil magaling din si Martin del Rosario sa Tayo Lang Ang Nakakaalam.

Sa Best Picture naman ay halos nasa Hand Of God ang boto ng karamihan.

Maganda naman talaga ang pelikulang ito ni Mark Duane Angos. Pero hindi rin natin sure kung kayang talbugan ito ng 2 Valid IDs ni Ma-an Asuncion-Dagñalan.

Hindi rin puwedeng ‘di pansinin ang napakagaling na performance ni Iza Calzado sa Hand of God, kaya malaki ang tsansa niya sa Best Supporting Actress.

Sabi ni Iza sa talk back ng naturang pelikula na ini-screen sa Shangri-La Cinema, nadurog daw ang puso niya pagkatapos niyang basahin ang script.

Ang laking challenge pa sa kanya na hindi siya nag-alinlangang pumunta ng Basilan para i-shoot ang ilang mahahalagang eksena.

Sabi ni Iza sa talk back nito, “The experience also of being able to visit Basilan, Lamitan, just added that layer of… I guess, opening your eyes to what is actually out there. Kasi we live in a bubble, e. We live in this bubble and you realize that there are so many who do not have the advantages and the privileges that we have.

“So we really have… again… to make life a little more fair in our small sphere of influence.”

TELESERYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with