^

Pang Movies

Alex, walang masabi sa Barangay Toronto!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alex, walang masabi sa Barangay Toronto!
Alex Eala

Nagbalik-tanaw si Alex Eala sa naging suporta sa kanya ng mga Pilipino sa Toronto at nagpasalamat sa ibinigay na pagmamahal sa kanya ng mga kababayan.

“Saya pala dito sa barangay Toronto.

“Difficult to put into words but very easy to be grateful for you all. Feeling the love in ways that I will probably only fully appreciate later. Thank you for allowing me to experience beyond what I know. I am quite the lucky one.”

Sa mga comment, ramdam ang pagmamahal ng mga Pilipino kay Alex at karamihan, nagpasalamat for putting the Philippines in the radar. Nakakatuwa na hindi lang Pinoy ang nagmamahal sa kanya, may nabasa kaming comment, Latino raw siya at fan siya ni Alex.

Isa sa fan ni Alex si Martin Nievera at puring-puri nito si Alex. “You really are more than just the people’s champion. You are the best representative for our country. You make us look like winners and that has nothing to do with you’re on the court performances. That’s a given. It’s your, “never say die,” style of play that shows the world how resilient your people are and you speak so well for us. And you speak so beautifully period! I love how you answer the questions thrown at you. You make me proud to be a Filipino! Shine on.”

Napansin namin na nadagdagan ng more than 100K ang followers ni Alex sa Instagram. Sa una naming pagtsi-check, may 1.6M followers na siya and after the Women’s Tennis Association and may 1.7M+ followers na siya at tiyak na madadagdagan pa habang patuloy siyang nagtu-tour.

Sunod siyang aabangan sa Cincinnati Open na ongoing na at magtatapos sa Aug. 24. Maglabasan din kaya ang mga Pinoy sa Cincinatti at kalapit na states para suportahan si Alex? Hindi naman siguro siya pababayaan ng mga Pinoy roon.

KimPau, pinasabik ang fans!

Masayang-masaya ang KimPau fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa balitang may gagawing bagong pelikula ang favorite love team nila. Wala pang ibang detalye sa project at ibinalita pa lang na gagawa sila ng pelikula, pero sapat na ito para magdiwang ang KimPau fans.

May mga kinikilig na ngang isipin pa lang na madalas magkikita at magkakasama sina Kim at Paulo kapag nagsimula na silang mag-shooting, sapat nang adrenaline para sumigla ang kanilang fans.

Anyway, humupa na ang tsikang buntis si Kim at napatunayang fake news ang balitang kumalat. Nakakaloka lang na marami ang nanghinayang na hindi totoo ang balita dahil gusto nilang magbuntis na si Kim para magpakasal na sila ni Paulo. Ito ay kahit hindi pa man umaamin ang dalawa na sila ay in a relationship.

Vice at Jessica, paglalapitin?!

Kung tama ang mga lumalabas na balita, maraming collab this year ang ABS-CBN at GMA Network.

Isa na rito ang drama series na Honor Thy Mother na streaming na sa Prime Video bago pa ang airing sa GMA. Ang Dreamscape Entertainment ang nasa likod ng production nito at collab ng ABS-CBN Studios at GMA.

Nabalita rin na collab ng ABS-CBN at GMA ang Gandang Gabi Vice (GGV) ni Vice Ganda na sa GMA ang airing at sa September na raw ang airing. First time na magkakaroon ng regular show sa Kapuso si Vice at feeling ng fans, sa Sunday slot ito ilalagay.

Ang feeling ng fans, after Kapuso Mo, Jessica Soho ang time slot ng GGV ni Vice at ‘pag nangyari ito, saan daw ilalagay ang TBATS On The Go?

Ang isa pang nababalitang collab ng ABS-CBN at GMA ay ang bagong edition ng Pinoy Big  Brother (PBB) Collab Edition. Ang clue na collab ito ay ang heart logo ng GMA na nakalagay sa letter O ng word na “collab.”

May mga kontra sa bagong PBB collab edition dahil dapat daw sa Kapamilya channel na lang ang airing para Kapamilya stars ang lahat ng housemates. Wala nga lang magagawa ang kumokontra dahil ang ABS-CBN at GMA ang masusunod at sila rin ang mamimili ng housemates.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with