^

Metro

Rider lubog sa utang, nangholdap

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Rider lubog sa utang, nangholdap
Barangay Kristong Hari, Quezon City
Google Map

Lulong sa ‘Scatter’

MANILA, Philippines — Kulungan ang kinahantungan ng isang 42-anyos na delivery rider nang maaresto makaraang mangholdap ng isang burger stand sa may E. Rodriguez Ave­nue, Barangay Kristong Hari, Quezon City.

Sapul sa CCTV ­footage na kitang-kita ang suspek noong madaling-araw ng Agosto 7, habang nakasakay sa kanyang motorsiklo at sa isa pang anggulo ay makikita ang kaniyang pagliko sa Balete Drive matapos makapangholdap.

Ayon sa 34-anyos na biktima, bumili pa ng pagkain ang lalaki bago isinagawa ang krimen. Pag-abot ng order ay saka nagdeklarang holdap ang suspek na sabay itinutok ang baril sa biktima. Nagmakaawa ang tauhan sa suspek dahil meron itong anak. Sabay tangay ang kitang P5,200 ng burger stand. Umiyak ang biktima dahil ikakaltas sa suweldo nito ang perang kinuha ng rider.

Ngunit ayon sa saksi, bagama’t naka-helmet ay nakalabas ang mukha nito na natatandaan ng biktima.

Agad na nag-report ang biktima, at nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad para matunton ang suspek.

Naaresto naman ang suspek nitong Martes sa San Jose del Monte, Bulacan habang dumadalo sa isang pagtitipon ng kanilang kaanak.

Aminado naman ang suspek sa kaniyang nagawang krimen dahil sa umanoy gipit siya dahil sa sugal sa online gambling. Nakumpiska sa suspek ang ginamit na gun replica, motorsiklo, at mga pekeng plaka ng sasakyan. Lumabas din sa imbestigasyon na ilang beses na itong nasangkot sa kaparehong krimen at dati nang naaresto sa Bulacan dahil sa pagnanakaw.

Nakakulong na ang suspek sa Galas Police Station at nahaharap sa mga reklamong robbery at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with