^

Probinsiya

Estudyante na na-bully dinukot, pinatay

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Estudyante na na-bully dinukot, pinatay
Natagpuang patay sa ilog ang 21-anyos na si Abubakar Lauban Hasim na nagreklamo ng pambu-bully ng mga kaeskuwela, sa Barangay Matengen, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Martes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Patay na nang matagpuan sa isang ilog ang isang estudyante makaraang mawala kasunod ng kanyang reklamo ng pambu-bully ng mga kaeskuwela, sa Barangay Matengen, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Abubakar Lauban Hasim, 21-anyos, third-year business administration student ng Cotabato State University. Siya ay mula sa pamilyang Moro sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao del Sur.

Ayon kay Capt. Steffie Sananguit, spokesperson Police Regional Office, Bangsamoro Autonomous Region, si Hasim ay unang nagreklamo sa mga opisyal ng kanilang unibersidad at mga magulang na binu-bully siya ng mga kaeskwela. Kasunod nito, iulat ng mga kaibigan at mga kaklase ang pagkawala nito nitong Lunes.

Gayunman nitong Martes, natagpuan si Hasim sa river bank ng Barangay Matengen sa Sultan Kudarat na patay na at may dalawang tama ng bala sa katawan.

Naniniwala ang pulisya na posibleng dinukot ang biktima at pinatay sa isang lugar sa Cotabato City saka itinapon ang bangkay nito sa nasabing ilog sa Brgy. Matengen, Sultan Kudarat.

MAGUINDANAO DEL NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with