^

Probinsiya

Pulis, bodyguard ng mayor todas sa barilan sa resort!

Cristina Go-Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Pulis, bodyguard ng mayor todas sa barilan sa resort!
Kapwa dead-on-arrival sa San Lorenzo Hospital sa Naic, Cavite sina PStaff Sgt. Junmark Sisante, nakatalaga sa Magallanes Police Station, at Arjay Mojica, diumano’y civilian security ng isang alkalde; kapwa residente ng Magallanes habang patuloy na inoob­serbahan sa ospital ang sugatang si PCpl. Louie Climacosa, nakatalaga sa Ternate Police Station at residente rin ng Maga­llanes, Cavite.
Philstar.com/AJ Bolando, file

CAVITE, Philippines — Patay ang isang pulis at umano’y bodyguard ng mayor habang kritikal ang isa pang pulis makaraang maki­pagtalo sa kanila ang isang kapwa lasing na pulis at nauwi sa madugong barilan sa parking area sa isang sa Maragondon, Cavite, kahapon ng madaling araw.

Kapwa dead-on-arrival sa San Lorenzo Hospital sa Naic, Cavite sina PStaff Sgt. Junmark Sisante, nakatalaga sa Magallanes Police Station, at Arjay Mojica, diumano’y civilian security ng isang alkalde; kapwa residente ng Magallanes habang patuloy na inoob­serbahan sa ospital ang sugatang si PCpl. Louie Climacosa, nakatalaga sa Ternate Police Station at residente rin ng Maga­llanes, Cavite.

Arestado naman si PCpl. Rolando Periodico Jr., 35 anyos, nakatalaga sa Trece Martires City Police Station, taga-Magallanes, Cavite, ang itinuturing na suspek at bumaril sa kanyang mga kabaro.

Base sa ulat, ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang madugong insidente sa parking lot ng Maries’s Resort sa Barangay San Miguel A, Maragondon.

Sa imbestigasyon, galing sa loob ng resort ang mga biktima at suspek mula sa inuman nang magtagpo sa parking lot ng resort.

Ayon sa isang testigo, lasing ang suspek na pulis at isang hindi pa kilalang kasama at papaalis na sila sa resort nang magkaroon nang mainitang pagtatalo sa mga biktima hanggang sa magbarilan at tumimbuwang ang mga biktima.

Narekober sa lugar ang isang Glock 17 .9mm Pistol na kargado ng magazine na pag-aari ng suspek, at isang Pierto Berreta .9mm pistol na kargado ng magazine na pag-aari ng isa sa mga biktima at dalawa pang .9mm pistol.

Dahil sa pangyayari, agad sinibak sa puwesto ang hepe ng Maragondon Police na si Police Major Ian Lexter Loyola at pansamantalang isinailalim sa Cavite Personnel Holding and Accounting Section (PHAS) habang gumugulong ang imbestigasyon.

Tiniyak naman ni Cavite Police Provincial director PCol. Ariel Red na magiging patas at mabilis ang pag-usad ng imbestigasyon sa kaso

Ayon sa source, isang police official ang nagdiriwang ng kaarawan sa lugar kung saan dumalo ang isang opisyal ng Maragondon LGU, at mga tauhan nito nang dumating ang lasing na pulis at kasama sa pribadong okasyon, na nagresulta sa pakikipagtalo sa mga biktima hanggang sa mauwi sa pamamaril sa parking area ng resort.

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with