Kaw palalakasin Fighting Maroons
MANILA, Philippines — Tiyak na lalakas ang opensa at bilis ng University of the Philippines sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament na magbubukas sa Setyembre 12 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ito’y dahil maglalaro sa Fighting Maroons ang matikas na point guard na si Ethan Kaw para makatulong sa opensa at karagdagang bilis sa pag ikot ng bola.
May kataasan si Kaw, ang 6’0 height nito ay malaking bentahe sa kanyang posisyon bilang point guard para sa Fighting Maroons.
Nagpasiklab muna si Kaw noong high school sa Saint Jude Catholic School bago naging Ateneo Blue Eaglets.
Malaking bagay din para sa Fighting Maroons ang pagiging shooter ni Kaw kaya paniguradong mahihirapan siyang bantayan ng mga makakalaban nila.
Maugong na ang Fighting Maroons habang papalapit ang petsa ng bakbakan sa UAAP kaya inaasahang isa sa team-to-beat ang UP sa premier collegiate cage league.
Para kay Kaw, simple lang ang nasa kukote niya, ang magkaroon ng bagong exeperience sa bagong ginagalawan bilang atleta.
Puspusan na rin sa paghahanda si Kaw, sinasanay na niya ang kanyang sarili sa pagiging point guard ng Fighting Maroons.
- Latest




















