Bantay Dagat sa Batangas tepok sa kuryente
BATANGAS, Philippines — Patay ang isang 23-anyos na miyembro ng Bantay Dagat matapos umanong makuryente habang tumutulong sa paghila ng bangka ng Philippine Coast Guard sa Barangay Sawang, Lobo, Batangas Lunes ng hapon
Kinilala ang biktima sa alyas na “Chris”, residente ng Barangay Lagadlarin, Lobo, at miyembro ng Lobo Bantay Dagat.
Ayon sa Lobo Municipal Police, tumutulong lang umano ang biktima sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa paghila patungo sa dalampasigan ng kanilang bangka gamit ang electric winch o electric motor na panghila ng kable nang mangyari ang hinidi inaasahang insidente dakong alas-1:25 ng hapon
Habang inaasistahan ang paghila sa winch line, bigla umano itong nangisay na pinaniniwalaang nakuryente matapos dumikit sa winch line.
Agad na binigyan ng paunang lunas ng mga tauhan ng Coast Guard ang biktima bago isinugod sa Lobo Municipal Hospital. Gayunman, idineklara siyang dead-on-arrival ng attending physician.
- Latest






















