Cong. Leviste at ex-Cong. Paras, ‘no show’ sa NBI
MANILA, Philippines — Hindi humarap kahapon sina Batangas 1st District Representative Leandro Leviste at dating Cong. Jacinto “Jing” Paras kaugnay sa subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang imbestigasyon sa “honeytrap” kay Executive Secretary Ralph Recto kundi ang kanilang mga abogado lang.
Sa naging pahayag sa media ng abogado ni Paras na si Atty. Mark Tolentino, kasama si Atty. Ferdinand Topacio, nagsumite sila ng notarized affidavit sa NBI at pinabulaanan ang mga alegasyon na nagdadawit sa kanilang kliyente sa sinasabing planong siraan si Recto.
Maghahain din sila ng kontra-salaysay dahil walang basehan ang akusasyon at iginiit na nabasa ang affidavit ni alyas “Ken” na “more on statement lang laban sa kliyente,” at walang video o photo na nakipagpulong si Paras sa mga babae patungkol sa planong frame-up.
Iginiit niya pa mas malakas kay Batman ang kanilang laban kaysa sa sinasabi ni NBI Director Melvin Matibag na kasinglakas ni Superman ang kanilang ebidensya laban kay Paras.
Sa pagdalo naman ng abogado ni Leviste na si Atty. Gabrielle Rondain Kapunan, iginiit niya na ang karapatan nila na manahimik.
- Latest




















