^

Probinsiya

‘Rapist’ ng 3-anyos, 7 pang wanted nalambat

Cristina Go-Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
‘Rapist’ ng 3-anyos, 7 pang wanted nalambat
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang stepfather na wanted sa panggagahasa sa 3-taong gulang na batang babae sa Naic, Cavite noong 2008, ang bumagsak na sa mga kamay ng otoridad sa tirahan nito sa Barangay San Isidro, San Marcelino, Zambales, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni Lt. Col. Louie Gonzaga, hepe ng Naic police, ang suspek na rapist na si glass ins­taller “Joey” Balagapo, 51, alyas “Joey,” na nakalista bilang pang-pitong Provincial Most Wanted Person (MWP) ng lalawigan ng Cavite.

Si Balagapo ay dina­kip sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Lerio Castigador, ng RTC Branch 15, Naic, Cavite noong Marso 21, 2023.

Hindi siya nanlaban sa pag-aresto at isinumite ang sarili ng mapayapa nang makorner siya ng mga nabuong tracker team ope­ratives sa kanyang bahay noong Linggo bandang alas-6:15 ng gabi. ayon sa opisyal ng pulisya.

Sinabi ni Gonzaga na ang biktima ay anak ng live-in partner ng suspek habang nasa edad na tatlo pa lamang nang abusuhin sa Palanggue 3, Naic, Cavite noong 2008.

Nagtago ang suspek sa Zambales habang nasa gitna ng isinasagawang paglilitis sa korte para sa kasong panggagahasa.

Sa rekord ng pulisya, si Balagapo ang pinakavhuling suspek na rapist na nadakip, na nagdala sa kabuuang walong naarestong suspek na nahaharap sa mga kaso ng panggagahasa at sekswal na pagkakasala sa rehiyon.

Ani ni Brig. Gen. Dominic Baccay, Calabarzon police director, ang pagkakaaresto ng walong MWP ay bahagi ng inilunsad na Oplan Bantay-Dangal sa ilalim ng B.E.S.T. balangkas ng Calabarzon rehiyon. Kabilang sa mga naaresto si alyas “Noel” sa Carmona City sa kasong rape, habang sumuko sa mga ope­ratiba ng Amadeo Police Station si alyas “Mark” sa kasong “qualified rape of a minor” at si alyas “Teodolo,” na nasa No. 6 Regional MWP bandang alas-5:10 ng hapon sa Sto. Tomas, Bata­ngas dahil sa 7-counts ng rape.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with