^

PM Sports

Pananalasa ni Eala tinapos ni Bencic

Chris Co - Pang-masa
Pananalasa ni Eala tinapos ni Bencic
Napaiyak si Alex Eala matapos ang kanyang kabiguan kay Belinda Bencic ng Switzerland.
NBO Toronto

MANILA, Philippines — Tuluyan nang natuldukan ang dream run ni Alex Eala matapos masibak sa Round of 16 ng WTA 1000 National Bank Open kahapon sa Toronto, Canada.

Umani ang 20-anyos na si Eala ng 4-6, 0-6 kabiguan sa kamay ni world No. 12 Belinda Bencic ng Switzerland sa Sobeys Stadium Centre Court.

Sa kabila ng iniindang injury, hindi sumuko si Eala sa buong panahon ng laban.

Dala dala nito ang ‘never say die’ spirit kung saan nagawang makipag­sabayan ni Eala sa first set kung saan tumabla pa ito sa 4-4.

Ngunit mas kinatigan ng suwerte si Bencic sa dalawang sumunod na games para makuha ang 1-0 bentahe.

Sa second set, ramdam na ang pagbagal ni Eala dahil sa injury kaya’t dinomina ni Bencic ang laro para makuha ang 5-0 lead.

HIndi naman agad sumuko si Eala sa final game nang bumangon ito mula sa 0-40 pagkakabaon at maipuwersa pa nito ang 40-40 deuce bago angkinin ni Bencic ang dalawang puntos at makuha ang panalo.

Matapos ang laban, tumanggap ng standing ovation si Eala mula sa mga Pinoy fans na nanood sa kanilang laban.

Muling nagpasalamat si Eala sa mga kababayan nitong patuloy na sumusuporta sa kanya manalo man o matalo.

Sa kabila ng kabiguan, mag-uuwi pa rin si Eala ng $81,800 premyo o katumbas ng halos P5 milyon sa pagpasok nito sa fourth round.

Sunod na sasabak si Eala sa Cincinnati Open sa Amerika na isa ring WTA 1000 event.

Gaganapin ang Cincinnati Open sa Agosto 13 hanggang 23 sa Lindner Family Tennis Center sa Mason, Ohio.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with