^

PSN Showbiz

Thea, may listahan na ng mga ninong at ninang sa kasal

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Thea, may listahan na ng mga ninong at ninang sa kasal
Thea Tolentino

Labing-apat na taon na ang nakalilipas nang manalo si Thea Tolentino bilang Ultimate Female Protégé. Si Jeric Gonzales naman ang nanalong Ultimate Male Protégé. Hindi raw inakala ni Thea na tatagal at magtatagumpay siya sa Protégé noon na isang reality talent search ng GMA Network.

“Sobrang surreal po, kasi ako during the whole competition, akala ko ako ‘yung uuwi (na talo). Kasi wala akong confidence sa sarili ko no’n. Tapos kitang-kita ko na very competitive ‘yung mga kasama namin. From start hanggang matapos po, hindi ko talaga alam kung ano ie-expect ko. Kasi gano’n po kababa ‘yung confidence ko sa sarili ko. Wala akong ini-expect kahit sa sarili ko,” nakangiting bungad sa amin ni Thea sa Fast Talk with Boy Abunda.

Bata pa lamang daw ay talagang pinapangarap na ni Thea na maging isang artista. Labing-limang taong gulang pa lamang noon si Thea na naninirahan sa Calamba, Laguna nang nag-audition upang makasali sa naturang reality show ng Kapuso network.  “Opo, pero mahiyain talaga ako kaya di ko tina-try. Parang biglaan lang po ‘yung audition ko sa Protégé. As in the night before no’ng audition, sabi lang ng nanay ko, ‘Oy! May audition bukas sa San Pablo (Laguna), tara, punta tayo,’ agad-agad. From Calamba, pumunta kaming San Pablo,” kwento ng dalaga.

Hinding-hindi raw makalilimutan ng Kapuso actress na naging mentor niya si Gina Alajar. Isa ang beteranang aktres at direktor sa mga mentor ng show noon. “Ako, binasag po talaga ako ni Inay Gina. Kasi hindi po ako nagsasalita, tapos nilabas niya ‘yung totoong kakayahan ko during Protégé. Pinapasigaw niya ako, parang hindi ko kayang magmukhang pangit. Any movement na gawin ko hiyang-hiya ako. Pinapasigaw niya ako, sabi sa akin ni Inay Gina dati, ‘Gawin mo ‘yan, kung hindi pauuwiin kita ng Calamba.’ Pero matigas pa rin po ‘yung ulo ko,” natatawang pagbabalik-tanaw ni Thea.

Taong 2013 nang nabigyan ng pagkakataon si Thea na makapagbida sa Pyra: Babaeng Apoy. Ayon sa dalaga ay nahasa na lamang ang kanyang kakayahan sa pag-arte dahil sa ilang acting workshops na kanyang dinaluhan. “Ang dami rin po talaga naming pinagdaanan na workshops after (Protégé). Binigyan talaga ng GMA and ‘yung pinakamadaling way for me umiyak is ‘yung bumalik sa isang memory na dear sa puso ko or nakakaramdam ako ng hurt,” paglalahad niya.

Samantala, abala na si Thea at ang fiancé na si Martin Joshua San Miguel sa paghahanda para sa kanilang kasal. Maglilimang taon nang magkasintahan ang dalawa ngayong Oktubre.  “Actually, halos kumpleto na po lahat. Puro decision-making na lang. Ako, kapag marami po akong iniisip about the wedding, nao-overwhelm po ako. Sinasabi na lang ni Martin, ‘yung fiancé ko po, ‘Kalma ka lang.’ Kasi siya sobrang kalma niya. Ako kasi ‘yung nagha-handle ng details. Siya ‘yung chill lang,” pagbabahagi ng Kapuso actress.

Matatandaang Nobyembre noong isang taon nang nag-propose si Martin kay Thea habang nagbabakasyon sa ibang bansa. Mayroon na umanong listahan sina Thea at Martin ng ilang ninong, ninang at mga abay para sa kanilang kasal. “Sa mga bridesmaids ko po si Mikee Quintos, Joyce Ching, sila pong dalawa. Ang kinuha ko po (na ninang at ninong) sina Ate Gladys Reyes, at Kuya Chris (Roxas) ‘yung asawa niya,” pag­dedetalye ni Thea. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with