Bianca at Esnyr, nagpakatotoo sa chikahan!

Ramdam na ramdam sa nakalipas na araw ang ghost projects sa flood control. Ang daming lugar na baha at may mga gumuhong pader at kung anu-ano pa.
Ilang araw nang tuluy-tuloy ang pag-ulan kaya naman ang daming apektado. Parang galit na galit ang langit sa lakas ng buhos ng ulan.
But anyway, noong isang araw ay nagpaalala na si Bianca Gonzalez na ‘wag nating kalimutan ang tungkol sa mga anomalya sa flood control projects.
At maraming sumang-ayon na lagi nating alalahanin na iilan lang ang nakinabang ng perang dapat sana ay magpapaginhawa sa mga kababayan nating nakikipaglaban upang mabuhay ng sapat lang sa aaraw-araw.
Post nga ni Bianca: “nagsimula na naman ang pag-ulan at pagdating ng sunud sunod na bagyo, magkakaalaman na naman ng mga lugar na ghost project lang ang milyones na flood control budget, at ang pinaka-mapeperwisyo na naman ay ang mga mamamayang ang nais lang sa araw araw ay magtrabaho ng maayos at masuportahan ang pamilya. paalala lang sa lahat na huwag kalimutan, huwag magpabulag, huwag nang ibigay ang suporta sa mga pulitikong kinukurakot ang kaban ng bayan.”
Talagang-talaga naman. Matuto na sana ang lahat sa 2028.
Samantala, muling nagpapakatotoo ang paborito n’yong ex-housemates sa masayang chikahan at paglantad ng matitinding mga rebelasyon na handog ng ABS-CBN sa bago nitong video podcast (vodcast) na Hello Outside World kasama ang hosts na sina Bianca Gonzalez at Esnyr.
Tampok sa six-episode vodcast ang mga pares na personalidad na iba’t iba ang pinagmulan sa buhay ngunit nagkakasundo dahil nakaka-relate sila sa isa’t isa, kung saan makikipagkwentuhan sila tungkol sa mga hamon at pagiging winner sa real world.
Nag-umpisa na itong mapanood noong Hulyo 29 (Miyerkules) ng 6 p.m. sa ABS-CBN Entertainment YouTube, ang most subscribed media and entertainment channel sa Southeast Asia.
Makakasama ng hosts o Outside World Allies sa unang episode sina Melai Cantiveros at Barbie Imperial, hatid ang mga nakakaintrigang rebelasyon sa pagbulgar ni Melai sa unang pagkakataon ng matinding sikreto mula sa kanyang personal na buhay habang may opinyon din si Barbie sa pagiging unang housemate evictee.
Nakimarites din sina Bianca at Esnyr kina Kolette Madelo at Carmelle Collado kung saan inilantad nila ang lahat tungkol sa bashing at red flags sa jowa, na hahantong din sa pagiging emosyonal ni Kolette nang balikan ang karanasan sa kanyang ex.
Mainit na chika rin ang handog sa episode nina Xyriel Manabat at Alexa Ilacad na iikot sa mga kontrobersyal na showbiz issues, kabilang na kung open ba silang makipagrelasyon sa isang direktor at kung ano ang tipo nila sa lalaki.
Mas marami pang pasabog na rebelasyon tungkol sa heartbreak, pag-ibig, May-December relationships, estado ng puso, pag-live-in bago ang kasal, at career ang dapat abangan sa mga susunod na episode kasama sina Jane Oineza, Baninay Bautista, Kai Montinola, Jas Dudley-Scales, Nene Tamayo at Keanna Reeves.
Bukod sa masayang kwentuhan at kulitan, dapat ding abangan ang masasayang games na magpapakita sa koneksyon ng guests sa outside world.
- Latest























