BINI at SB19, pinatunayang walang gyera!

Sa isang pambihirang pagkakataon, nagsama sa isang larawan ang BINI at SB19 na pinagpipistahan na ngayon ng kanilang fans sa social media.
Ang larawan ay kuha sa Rohnet Park sa California na ipinost ng BINI sa kanilang X and Instagram account. Sa caption ay nagbigay ng pahaging ang Nation’s Girl Group na tila may niluluto silang collaboration ng Kings of P-pop.
“STRONG SIGNAL DETECTED: BINI x SB19. Looks like we’ve got something on the frequency... Stay tuned!” caption ng BINI.
Ayon sa mga ulat, kuha ang larawan bago ganapin ang Signals World Tour ng BINI sa Rohnet Park, California.
Sey pa sa tsika, dumalo raw ang SB19 sa naturang concert ng all-female group. Nag-post din sila ng videos and photos ng mga miyembrong sina Justin, Stell and Josh na nanoood ng concert.
At the same time ay gumawa rin daw ng content ang SB19 para sa kanilang hits na Lawless and Step Back sa naturang lugar kaya nagkaroon sila ng time na makapag-bonding with BINI.
“Hindi naman bago sa amin ‘to,” sey ni BINI Colet sa panayam ng ABS-CBN. “Talagang behind the scenes friends naman lahat ng Ppop, amazing lang na dito lahat nagkikita. Very international na talaga, makikita mo na talaga siya kahit saan. Walang makakapigil.”
Kaya sey ni BINI Aiah, sana raw ay chill lang din ang kani-kanilang fans na as we all know ay nag-aaway-away sa socmed.
“Minsan kasi yung nangyayari online, it’s too much and in reality we’re just chill. Like eto, nakikita ninyo we’re just chillin’ here guys. Chill din kayo diyan!” mensahe ni Aiah.
Sabi naman ni Stell ng SB19, “Ang saya lang po na finally nagsama, ang dami dami po kasing alam n’yo na, hindi natin mapipigilan ang mga lumalabas na articles or mga kung ano man mga negative. Itong ganitong klaseng bagay, it’s something na masaya po siya gawin.”
Hirit naman ni BINI Gwen, “Walang war. We genuinely support each other.”
Sabi ulit ni Stell, “Walang problema or anything. Hindi na po siya dapat pag-usapan pa.”
Ngayong Aug. 14-16 ay nakatakdang mag-perform ang BINI and SB19 sa Summer Sonic Music Festival in Japan.
Isang malutong na mura ang natanggap ni Jhong Hilario mula sa isang netizen na nakapanood ng kanyang Cinemalaya entry na Hand of God.
Isa sa cast ang aktor at It’s Showtime host ng nasabing pelikula na kalahok 22nd Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2026.
Ibinahagi ni Jhong sa kanyang Facebook ang screenshot ng natanggap niyang mensahe mula sa netizen.
“Just watch your cinemalaya entry. T****NA MO PO!” ang mababasa sa message.
Hindi malaman kung bakit nagmura ang netizen pero sa halip na mapikon ay nag-promote na lang siya ng pelikula bilang sagot.
- Latest























