^

PM Sports

2 PBA games kanselado dahil kay Maymay

John Bryan Ulanday - Pang-masa
2 PBA games kanselado dahil kay Maymay
“In light of the severe weather conditions and with the safety of our fans, players, officials, and staff as our top priority, the PBA has decided to postpone its Sunday, August 9, games,” anunsyo ng PBA kahapon.
Pixabay / planet_fox

MANILA, Philippines — Kanselado ang 2 laro ng PBA kahapon sa Ninoy Aquino Stadium dahil sa masamang panahon at pagbaha sa kalakhang Maynila bunsod ng Bagyong Maymay at habagat.

“In light of the severe weather conditions and with the safety of our fans, players, officials, and staff as our top priority, the PBA has decided to postpone its Sunday, August 9, games,” anunsyo ng PBA kahapon.

Naka-iskedyul sana sa Ninoy ang duwelo ng Phoenix at Rain or Shine sa first game sa alas-5:15 ng hapon bago ang sagupaan ng Barangay Ginebra at Blackwater sa main game sa alas-7:30 ng gabi.

Lider sa Group A ang Fuel Masters at Elasto Painters hawak ang parehong 4-2 habang nasa likod lang nila ang Bossing katabla ang Magnolia Hotshots sa 3-3 baraha.

Naghahabol ang Gin Kings sa 2-3 kartada.

Ililipat ng PBA ang naturang double headers subalit wala pang iskedyul kung kailan at saang venue.

Bukod sa postponement, ililipat din ng PBA ang mga laro nito bukas mula Ninoy Aquino Stadium papunta sa Ynares Sports Centre sa Antipolo.

Tampok dito ang laban ng Converge kontra sa Terrafirma at NLEX kontra sa reigning champion na Talk ‘N Text.

Kasalukuyang inaayos ang Ninoy Aquino Stadium sa Maynila dahil sa ilang butas ng bubong nito matapos maantala ang laro ng Magnolia at Meralco sa naturang venue.

Sa kasagsagan ng ulan nitong Biyernes ay nahinto ng halos isang oras ang laban pagkatapos ng 3rd quarter dahil sa nabasang court sa bandang bench ng Hotshots.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with