^

PM Sports

Gilas Men uulit sa China sa Aichi-Nagoya Asiad

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahang muling tatalunin ng Gilas Pilipinas Men ang karibal na China sa kanilang pagdedepensa sa korona sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan sa susunod na buwan.

Nasa Group C ang Pilipinas, China, Bahrain at Kazakhstan, habang kasama ng 2023 runner-up Jordan sa Group B ang Iran, Chinese Taipei at Qatar.

Ang Group A ay binubuo ng host Japan, South Korea, Saudi Arabia at Indonesia.

Matatandaang bumangon ang mga Pinoy cagers mula sa isang 20-point deficit para ungusan ang mga Chinese, 77-76, sa kanilang semifinal game papasok sa gold medal round ng 2023 edition sa Hangzhou, China.

Sa finals ay tinalo ng Nationals ang mga Jordanians, ibinandera si TNT Tropang 5G resident import Rondae Hollis-Jefferson bilang naturalized player, para angkinin ang gintong medalya.

Unang lalabanan ng Gilas Men ang Bahrain sa Setyembre 11 kasunod ang Kazakhstan sa Setyembre 12 at ang China sa Setyembre 14.

Samantala, kasama ng Gilas Women sa Group B ang World No. 10 Japan, Kazakhstan at Hong Kong.

Bago lumaro sa Aichi-Nagoya Asiad ay kakampanya muna ang mga Pinay dribblers sa FIBA Olympic Pre-Qualifying Tournament sa Agosto 17 hanggang 23 sa Guadalajara, Mexico.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with