^

PM Sports

King James kampeon sa Sprint race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasilayan ng mga karerista ang tulin ng King James matapos nitong maghari sa 2026 PHILRACOM “4-Year-Old Sprint Stakes Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas kahapon.

Pinaharurot agad ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate ang King James sa largahan pero agad naman silang sinundan ng matutulin din sa alisan na Worshipful Master at Black Jack.

Kaya naman pina-ubaya na lang ni Zarate ang unahan sa Worshipful Master at Black Jack at pumuwesto na lamang sila sa pangatlo sa kalagitnaan ng karera.

Mainit ang naging labanan sa unahan ng Worshipful Master at Black Jack sa far turn habang nagsisimula ng lumapit ulit ang King James sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Papasok ng huling kurbada ay lamang ang Worshipful Master ng isang kabayo sa pumapangalawang King James subalit nasilayan ng mga karerista ang tikas ng winning horse sa rektahan.

Pinitik ni Zarate ng latigo ang King James sa huling 100 metrong karera kaya naman bigla itong umusad at agawin ang bandera sa Worshipful Master.

Tinawid ng King James ang meta ng may dalawang kabayong agwat sa pumangalawang Worshipful Master, tersero ang Black Jack, pumang-apat ang Morning After habang pang-lima ang Easy Way.

Nirehistro ng King James ang tiyempong 57.8 segundo sa 1,000 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Melvin Raymundo ang P600K na premyo.

METRO TURF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with