Delivery rider nabagsakan ng puno at poste, patay

Sumilong sa lakas ng ulan
MANILA, Philippines — Isang delivery rider ang nasawi matapos na mabagsakan ng puno at poste habang nakasilong sa Circumferential Road, Bgy. San Roque, Antipolo City, Rizal, kahapon ng umaga.
Batay sa pahayag ni Antipolo City Mayor Jun Andeng Ynares, nakisilong ang driver sa kasagsagan ng ulan nang mabagsakan ito ng puno at poste.
Nagsagawa ng clearing operations ang rescue at response teams Circumferential Road at agad na isinugod ang rider sa RPHS Antipolo Annex 2 upang mabigyan ng medikal na atensyon, subalit namatay ito habang nilalapatan ng lunas.
Sinasabing severe blunt force trauma dahilan ng pagkamatay ng lalaking rider.
Nabatid na alas-12:30 ng tanghali nang maialis ang mga bumagsak na poste at puno sa kalsada at nadaraanan na ulit ng mga motorist.
Sa kasalukuyan, hinihintay ng Antipolo local government unit (LGU) ang pagdating ng mga kaanak ng rider mula sa Pasay, Laguna, at Catanduanes.
- Latest




















