Nikki, nagtapos ulit ng bagong kurso

Pamangkin ng music icon na si Joey Albert si BJ Albert, ang mister ng (dating) singer, actress, host at celebrity endorser na si Nikki Gil.
Na magmula nang mag-asawa si Nikki ay tuluyan na nitong tinalikuran ang music at showbiz dahil mas nag-focus na ito sa kanyang pamilya – ang kanyang mister na si BJ at dalawa nilang anak na sina Finn (7) at Maddie (5).
Bukod sa kanyang pamilya ay binalikan din ni Nikki ang pag-aaral ng kanyang second course, ang Interior Design kung saan siya nagtapos kamakailan lamang sa School of Fashion and Arts (SoFA) with the highest distinction and Best Thesis Award.
Ang unang kurso ni Nikki ay English Literature na kanyang tinapos sa Ateneo de Manila University. Seventeen years later ay bumalik siya ng school para sundan ang yapak ng kanyang ina na isang interior designer na nagtapos sa PSID nung 2015.
Kung babalikan, unang nakilala si Nikki sa isang hit TV commercial ng Coca-Cola nung 2005 na siyang niyang naging daan sa kanyang pagpasok sa showbiz hanggang nagtuluy-tuloy na.
Hanggang nag-asawa siya, tumigil sa showbiz at naging isang ina.
Hindi na ulit siya nagpakita ng pagbuhay sa kanyang career.
At ‘wag na nating buhayin ang mga intriga sa kanya noon na sinasabing kaya siya nag-laylow sa showbiz ay dahil sa kanyang disappointment nang magkahiwalay sila ng dati niyang boyfriend, ang singer, actor at host na si Billy Crawford na may asawa na rin (Coleen Garcia) at meron na rin silang dalawang anak.
Hayaan na natin silang maging masaya sa kani-kanilang buhay.
Buhay ng anak nina Prince Harry at Meghan, sinimplehan lang
Totoo kayang hanggang ngayon ay wala pa ring idea ang dalawang anak nina Prince Harry at Meghan Markle, Duke and Duchess of Sussex respectively na sina Prince Archie (7) at Princess Lilibet (5) na sila’y bahagi ng British royal family?
Pareho silang nagkaisip at lumalaki sa paligid ng kanilang Montecito home in Santa Barbara, California kung saan nagkaisip at lumaki si Prince Archie habang sa nasabing lugar naman isinilang at lumalaki si Princess Lilibet.
Usap-usapan noon noong 2020 nangtumalikod sina Prince Harry at Meghan sa kanilang duties bilang senior members ng British royal family para mag-relocate sa California, USA at mamuhay nang matiwasay bilang isang pamilya. Buhay pa noon si Queen Elizabeth, ang grandmother nina Prince Harry at nakatatanda nitong kapatid na si Prince William na siyang kasunod sa trono ng amang si King Charles.
Parehong hands-on parents sina Prince Harry at Meghan sa dalawa nilang anak na sinanay nila sa simpleng buhay kaya sa kanilang murang edad ay hindi pa nila alam ang kanilang royal roots base sa mga naglalabasang mga update sa British royalty.
Alam ng buong mundo na may gap si Prince Harry sa kanyang royal family matapos mag-grant ng shocking interview ang Prinsipe at ang Duchess of Sussex kay Oprah Winfrey at ang librong inilabas ni Prince Harry na may titulong Spare.
Masasabi ngang isang drama sa totoong buhay ang kanilang pamilya na kahit tayong mga Pilipino ay nagkakainteres.

- Latest