PDEA agent dedo, 3 Marines sugatan sa buy-bust operation
MANILA, Philippines — Isang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang napatay habang nasugatan ang tatlong miyembro ng the Philippine Marines kabilang ang isang lieutenant colonel sa naganap na anti-illegal drugs operation sa Bongao, Tawi-Tawi, Linggo ng umaga.
Sa ulat ni Lt. Colonel Roy Zantua, chief of police ng Bongao Municipal Police Station, kinilala ang nasawing PDEA agent na si Enfernie Jim Dayag, 29 at isang drug trafficker na inaalam pa ang pagkakakilanlan.
Habang kinilala ang isa sa tatlong nasugatang Marines na si Lt. Colonel Richard Malabanan.
Ayon kay Capt. Steffi Salanguit, Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) spokesperson, alas-6:00 ng umaga nang isagawa ang drug buy-bust operation ng magkasanib puwersa ng PDEA at Marine Battalion Landing Team (MBLT-4) sa Sitio Mapanbubu, Barangay Paniongan, Bongao.
Dito ay nakahalata ang mga drug suspect na ang ka-transaksiyon niya ay otoridad kaya’t pinutukan nito ikinasawi ni Dayag, at pagkasugat ni Lt. Malabanan.
Gumanti ng putok ang mga otoridad na ikinasawi ng drug trafficker.
- Latest


















