^

Probinsiya

55 lugar sa Oriental Mindoro pinalubog ng habagat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
55 lugar sa Oriental Mindoro pinalubog ng habagat
Satellite image shows Oriental Mindoro.
Google Maps

MANILA, Philippines — Umaabot sa 47 barangay sa Calapan City at walo pang bayan sa Oriental Mindoro ang lumubog sa baha sanhi ng malalakas na pag-ulang dala ng habagat simula pa noong Biyernes, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Oriental Mindoro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), naitala ang mga pagbaha sa mga bayan ng Puerto Galera, Baco, San Teodoro, Victoria, Bongabong, Roxas,­ Mansalay, Naujan, at sa Calapan City.

Una rito nitong Sabado ng gabi ay itinaas ni Gov. Humerlito “Bonz” Dolor ang buong lalawigan sa blue alert kasabay ng paghikayat sa mga residente na nani­nirahan sa mga flashflood at landslide prone areas na magsilikas para sa kanilang kaligtasan.

Nabatid na simula pa lamang noong Biyernes ay matitindi na ang mga pag-ulan sa lalawigan bunsod upang umapaw ang mga ilog dito at rumagasa ang baha sa mga apektadong lugar.

Nasa 878 pamilya naman o katumbas na 3,522 indibidwal ang naapektuhan ng habagat sa lalawigan.

ORIENTAL MINDORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with