^

Probinsiya

Trike sinalpok ng 10-wheeler: 2 dedo, 5 pa sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang tricycle driver at isa sa kanyang mga pasahero habang lima pa ang sugatan nang salpukin ng 10-wheeler truck ang sinaksakyan nilang tricycle sa Barangay New Rizal, Mlang, Cotabato nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat nitong Linggo ng mga imbestigador ng Mlang Municipal Police Station at mga local officials, kinilala ang mga nasawi sa naturang aksidente na sina Jovito Autillo, Sr., tricycle driver at pasaherong si Yolanda Cordero.

Nagtamo naman ng maselang mga sugat at pasa sa katawan sanhi ng aksidente ang lima pang sakay ng traysikel na sina Cecil Autillo, Felinor Sigura at tatlong menor-de-edad na kinilala lamang ng mga local officials at mga police investigators na sina Joy, Clint, at Mary. Kasalukuyan silang ginagamot sa Mlang Medical Specialist Center sa Mlang.

Ayon kay Lt. Col. Realan Mamon, municipal police chief, sakay ang mga biktima ng tricycle nang matumbok ng isang 10-wheeler cargo truck na nagmula sa kabilang direksyon ng highway, sa Purok Acacia, Barangay New Rizal.

Ang drayber ng malaking trak na si Edmund Norberte, residente ng Barangay San Emmanuel, Tacurong City ay kusang loob na sumuko sa mga pulis at mga barangay officials na nagresponde sa insidente.

Ayon kay Mamon, patungo sa Davao City ang truck nang mabangga nito ang tricycle sa madilim na bahagi ng highway sa Purok Acacia ng Barangay New Rizal.

EDMUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with