^

Bansa

Maleta Boys, hinamon na pangalanan ‘mastermind’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinamon nina Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. at da­ting Surigao del Norte Rep. Robert Barbers ang apat sa tinaguriang Maleta boys na tukuyin ang kanilang “hari” o mastermind sa likod ng pagbawi ng kanilang mga testimonya kaugnay ng umano’y korapsyon sa flood control projects.

Kabilang sa nagbawi ng testimonya laban kina dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dating Speaker Martin Romualdez, at dating AKO Bicol Rep. Zaldy Co ay sina Rosebert Waupan, Cecilo Larroder Jr., Benny Bulontate, at Bernard Tube.

Ayon kay Abante, ang pagbawi ng testimonya ng apat ay nagpapakita na posibleng gawa-gawa lamang ang mga paratang. “Ang hinihingi natin ay simple: buong katotohanan. Kung fabricated ang mga affidavit, sino ang nag-fabricate? Kung scripted, sino ang gumawa ng script? Kung may mastermind, pa­ngalanan at patunayan,” giit niya.

Dagdag pa ni Barbers, ngayong umatras na ang apat, dapat na nilang ituro kung sino ang kanilang “boss.” Sa naunang testimonya, sinabi ng Maleta boys na nag-deliver sila ng maleta-maleta ng pera kina Marcos, Romualdez, at Co bilang bahagi ng flood control scam. Ngunit lumitaw na magulo ang kanilang kuwento—may mga lugar na negatibo ang deskripsyon at isa sa mga sinasabing staff na tumanggap ng pera ay matagal nang pumanaw.

ROBERT BARBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with