PBA games ipinagpaliban dahil sa habagat

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban ng PBA ang dalawang larong itinakda kahapon sa Season 50 Governors’ Cup sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
Ito ay dahil sa malakas na buhos na ulan simula noong Biyernes.
“In light of the severe weather conditions, and with the safety of our fans, players, officials and staff as our top priority, the PBA has decided to postpone its Sunday (August 9) games,” pahayag ng PBA sa isang advisory. “The PBA urges everyone to take all necessary precautions and to stay safe.”
Lalabanan sana ng Rain or Shine (4-2) ang Phoenix (4-2) sa alas-5:15 ng hapon kasunod ang salpukan ng Barangay Ginebra (2-3) at Blackwater (3-3) sa alas-7:30 ng gabi sa Group B.
Matapos ang double-round eliminations ay apat na koponan sa Group A at B ang papasok sa quarterfinals.
Samantala, kasaluku-yan nang ginagawa ang bubong ng Ninoy Aquino Stadium kung saan nagkaroon ng tulo nasa kainitan ang upakan ng Meralco at Magnolia (3-3) sa fourth quarter noong Biyernes.
Matapos ang 40 minutong pagkaantala ay natuloy ang laban at tinalo ng Hotshots ang Bolts, 105-88.
Ang laro sana sa Martes sa nasabing venue ay inilipat ng PBA sa Ynares Center sa Antipolo City.
Sa nasabing iskedyul maghaharap ang Converge (3-4) at Terrafirma (3-4)
sa alas-5:15 ng hapon na susundan ng laban ng NLEX (6-1) at nagdedepensang TNT Tropang 5G (4-3) sa Group A.
- Latest


















