Vice at Kim, may lihim na ‘hatred’ sa isa’t isa?!

“Habangbuhay,” pangako ni Vice Ganda sa kanyang post pagkatapos pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN noong Biyernes kaya’t asahang mananatiling isa siyang Kapamilya.
Hindi nila iningayan ang lahat katulad sa mga ibang nagre-renew ng kontrata.
Dumalo roon si ABS-CBN Chairman Mark Lopez, President at CEO Carlo Katigbak, Chief Operating Officer Cory Vidanes, at Chief Financial Officer Ricardo B. Tan Jr. Dumaan din si ABS-CBN Foundation Chair Eugenio Lopez III upang batiin si Vice at ipakita ang suporta para sa Kapamilya artist.
Bumalik na sa It’s Showtime si Vice na less than a week ding namahinga matapos magkaroon ng intriga at ipatawag ang programa ng Movie and Television Review and Classification Board.
At nilinaw niya na bakasyon ‘yung biyahe niya sa Vietnam at hindi suspensyon katulad nung ibang kumalat na isyu.
Kinumpirma rin niyang may gagawin siyang programa sa GMA 7. “Patuloy pa rin akong gagawa ng proyekto sa Kapamilya under ABS. And ABS naman, sila na ‘yung pinakamalaking supplier ng pinakamalalaking contents sa iba’t-ibang platforms. Masaya ako na isa pa rin ako sa pinipili nila na magdala ng pangalan nila at gumawa ng mga contents na ipapalabas sa iba’t ibang platforms.
“Next month meron silang nakalinyang bagong projects sa GMA at marami pang mga susunod,” say ng Unkabogable Star sa kanyang interview sa TV Patrol.
At ang hula ng karamihan, ibabalik ang Gandang Gabi Vice niya sa GMA 7.
Samantala, accidentally ay nabanggit kahapon ni Anne Curtis ang ASAP na katapat ng Sunday noontime show ng GMA na All-Out Sundays.
Yup, present nga rin kahapon si Anne, pero wala si Kim Chiu na ginagawan naman ng issue ng ibang fans.
Na ayon sa isang source, may ‘animosity’ kahit noon pa raw sina Vice and Kim.
Hindi raw talaga nagkaroon ng closeness sina Vice at Kim kahit matagal na silang magkasama sa It’s Showtime ayon sa isang source.
May ilang detalye pa ang kuwentong ito, pero medyo shocking ang iba pang rebelasyon tungkol sa kanilang hindi pagiging close na saka na natin kalkalin.
- Latest























