Aga, may bitbit na nutritionist

Bago magtapos ang buwang ito sisimulan na ang shooting ng entry ng Viva Films sa 2026 Metro Manila Film Festival na 2nd Miracle in Cell No. 7, balita ito ni Xia Vigor nang makita namin sa pa-block screening ng MMPress ng Spider-Man: Brand New Day.
Excited na si Xia sa shooting at naghahanda na siya. She will play the same role as Yesha at may mga pagbabago siyang gagawin at ang Viva na rin dahil teenager na siya at hindi na bata.
Nagsimula na ring maghanda si Aga by working out. May pinost ito sa kanyang Instagram Story a few days ago na nagwu-workout siya at may text overlay na “Work It!!!”
Comment ng netizens, balik-alindog daw ang aktor bilang paghahanda kaya expect to see a leaner Aga in the coming days.
Hindi lang nagwu-workout sa gym si Aga, nagba-bike rin ito at minsan, magkasama pa sila ng anak niyang si Andres Muhlach. Panigurado, pati sa pagkain mas ingat si Aga ngayon sa tulong ng nutritionist. Yes, may nutritionist ang Muhlach family na minsan, kasama nila sa taping at nagtsi-check ng kanilang food intake at calories na nasa kinakain nila.
Bianca, nilait sa pagpapatawad kay Ruru
May mga hindi natuwa nang aminin ni Ruru Madrid on national TV na nag-cheat siya kay Bianca Umali. Kahit pa sinabi ng aktor na ang cheating period sa relasyon nila ng GF ay nagpabago sa kanya.
Dagdag pa ni Ruru, nang patawarin siya ni Bianca, doon niya na-realize ang kahalagahan nito.
Comment ng netizen, “Kahiya brinodcast pa,” “And Bianca stayed? Girl, you’re too gorgeous for this s**t,” “Grabeng utaj ah, Makikita mo kahalagahan ng babae pag nag-cheat ka? Bakit noong di ka nagloko di mo nakita? Gaga ka ba? Kawawang Bianca. Parang option, di nagwork ang ka-fling kaya binalikan?” “Paano niyo napapatawad yung ganito? Ako di ko kaya mag-stay kasi feel ko uulitin.”
May comment pa na para kay Bianca. “Bianca you stayed? Girl you’re more than this. What if kayo ang endgame, kinasal, nagkaanak—chances are mararanasan din ito ng anak mo, siya magsa-suffer sa kalokohan ng tatay niya. Run?” “Bianca iwan mo na yan. Independent ka namang babae alam mo yan... you don’t need a “man” na ganyan ang reasoning, nakakabobo. Statement is so dumb meaning in-appreciate ka lang after ka gagahin? Run girl”
May nag-comment pa ng “Believe me Bianca, there are a few men out there that has never done this ever. I’ve met older couple that never did it and would feel sick if they did,” “Bianca, you’re still young, so free yourself from that ugly thing,” at “Run girl it’s not yet too late. You deserve better.”
- Latest






















