Defensor ‘utak’ ng destab vs Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Itinuro ng Malacañang si dating Congressman Mike Defensor bilang isa sa mga indibidwal na umano’y nasa likod ng destabilization plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nakikita umano ang estilo ng mga Duterte supporters sa pag-hire ng mga tao upang gumawa ng mga kathang-isip kapalit ng malaking halaga laban sa Pangulo.
Ito ang pahayag ni Castro matapos bawiin ng ilang tinaguriang “Maleta Boys” ang kanilang testimonya na nag-deliver sila ng pera kay Marcos, dating House Speaker Martin Romualdez, at iba pang mambabatas.
Dagdag pa ni Castro, marami ang nakakaramdam na bahagi ito ng plano ni Defensor at ng kanyang mga kasamahan para sa isang destabilization.
Nilinaw naman ni Castro na nagsasalita siya para kay Pangulong Marcos Jr. at nanawagan na huwag magpabitag sa ganitong plano kapalit ng pera, dahil may mga inosenteng tao ang nasisira.
Aniya pa, kung ano man ang iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman kaugnay sa Maleta Boys patungkol kay Speaker Romualdez at iba pang naituturo, ay nasa kamay na ng Ombudsman.
- Latest




















