^

Police Metro

Metro Manila nalubog sa baha dahil sa habagat

Joy Cantos - Pang-masa
Metro Manila nalubog sa baha dahil sa habagat
Kalbaryo sa mga residente ang lampas bewang na tubig baha sa Tramo Street sa Barangays Marulas at Gahak, Kawit, Cavite, nang umapaw ang katabing ilog dahil sa walang puknat na pagbuhos ng ulan dulot ng habagat kahapon.
Noel Pabalete

MANILA, Philippines — Lumubog sa baha ang ilang lugar sa Metro Manila sa malalakas na pag-ulan na dulot ng southwest monsoon o habagat, ayon sa ulat nitong Sabado.

Sa pinagsamang monitoring ng Office of Civil Defense -National Capital Region (OCD-NCR) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), malaking bahagi ng Quezon City ang lumubog sa hanggang tuhod na baha o 19 inches ang lalim ng tubig sa Brgy. Roxas (Gumamela Street); hanggang 13 inches o kalahati ng gulong sa Brgy. del Monte (West Riverside sa panulukan ng Atty. Pat Senador Sr., Street); sa Brgy. Vasra ay umabot sa hanggang tuhod sa Zamboanga Street malapit sa Bai Compound, habang gutter deep naman sa Brgy. Sienna (N.S. Amoranto sa panulukan ng Don Jose Street at Palali Street.

Gayundin sa Brgy. Lourdes, Ma. Clara sa panuluklan ng D. Tuazon, Speaker Perez- Maria Clara, Brgy. Manresa (Sgt. Rivera corner A. Bonifacio); Brgy. Sto. Domingo (Matalahib), N.S. Amoranto sa panulukan ng Banawe; Brgy. Sienna; N.S. Amoranto sa panulukan ng Ubay Street, Biak na Bato sa panulukan ng Quezon Avenue.

Samantala, hindi rin madaanan kahapon ang ilang bahagi ng Valenzuela City sa may MacArthur Highway panulukan ng Hermoso St., hanggang sa Bernardo Street dahil sa hanggang kalahati ng gulong ang tubig baha.

Tumaas din ang tubig baha sa Taft Ave­nue sa Maynila sa bahagi ng southbound ng Escoda Street at EDSA Estrella southbound sa Makati na hanggang gutter ang lalim. Ma­ging sa mga kanugnog na probinsya kabilang sa CALABARZON ay dumanas ng mga pagbaha.

OCD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with