^

PSN Showbiz

GGV ni Vice, ibabalik sa GMA!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
GGV ni Vice, ibabalik sa GMA!
Jhong, Vice, Anne at Vhong

Nag-renew si Vice Ganda ng kontrata sa ABS-CBN noong nakaraang Biyernes.

Masaya ang Unkabogable Superstar dahil marami pa raw aabangan sa kanya.

Sabi niya sa interview sa kanya ng TV Patrol; “Pumirma na po ulit ako ng kontrata sa ABS-CBN, at patuloy na pagiging Kapamilya. I’m very very happy.

“Actually, kahit wala naman akong contract habangbuhay naman akong Kapamilya. We always professionalize the partnership. Kaya maraming, maraming salamat po sa aking mga bosses.”

Sinabi na rin ni Vice Ganda na may gagawin siya sa GMA 7.

“Patuloy pa rin akong gagawa ng proyekto sa Kapamilya under ABS. And ABS naman, sila na ‘yung pinakamalaking supplier ng pinakamalalaking contents sa iba’t ibang platforms.

“Masaya ako na isa pa rin ako sa pinipili nila na magdala ng pangalan nila at gumawa ng mga contents na ipapalabas sa iba’t ibang platforms.

“Next month meron silang nakalinyang bagong projects sa GMA at marami pang mga susunod,” tugon ni Vice Ganda.

Halos iisa ang hula ng netizens na ibabalik ni Vice Ganda ang Gandang Gabi Vice (GGV), pero sa GMA 7 ito mapapanood.

Wala pang kumpirmasyon sa kanila, pero ito rin ang naririnig naming gagawin ng It’s Showtime host para sa Kapuso network.

Kaya ratsada pa rin talaga ang ABS-CBN shows at stars na, dahil mapapanood sila sa lahat na istasyon.

Kung matutuloy ang GGV sa GMA 7, may Everybody, Sing naman siya sa TV5, AllTV, A2Z at sa Kapamilya network.

Kaya tuluy-tuloy pa raw ang shows niya.

“Lahat naman ng projects ko tuluy-tuloy. Kung saan mang platform ako makita, hindi puwedeng hindi ko kasama ang ABS dun sa mga projects.Lahat ng projects ko sa iba’t-ibang platforms, kasama ko ang ABS.”

Tingnan natin kung babalik ang sigla ng TV industry ngayong pursigido ang lahat na networks na may mga bago pa, magagandang shows na mapapanood.

Aminado naman ang lahat na talagang humina ngayon ang TV industry, dahil na rin sa online at social media.

Ito nga ang tinanong namin sa presidente ng TV 5 na si Mr. Guido Zaballero.

Ani Sir Guido, “The TV industry has really seen na... pati si ano e, all three major players have really felt ‘yung shift into digital, at saka ‘yung struggle sa traditional free to air.”

Bumaba raw talaga magmula nung nagka-pandemic.

“Since the pandemic, probably 25 percent production, mga 20 percent siguro,” ‘yun daw ang ibinaba ng naturang industriya.

Samantala, patuloy pa rin naman daw ang partnership ng TV5 sa ABS-CBN.

“Ang masasabi ko lang ay that we have a partnership existing with ABS-CBN. The carry some of our shows, we carry some of their shows.

‘Yun po muna ‘yung partnership namin with ABS-CBN. So, parang pinu-fuse namin ‘yung ibat-ibang programa on our re grids,” tugon ni Mr. Guido Zaballero.

Samantala, noong Huwebes pa pala nakabalik sa It’s Showtime si Vice Ganda.

Tumaas ang rating ng naturang noontime show noong Huwebes. Naka-5.9 percent ito at 3.8 percent naman ang Eat Bulaga.

Cinemalaya movies, positive ang feedback

Positibo ang feedback sa karamihang full length films na kalahok sa main competition ng Cine­malaya 22: Reel Reflections.

Noong Biyernes lang nagsimula ang screening sa Shangri-La Cinema at sa ibang cinemas, at magaganda ang naririnig naming komento sa mga pelikulang napanood nila.

Isa sa unang nag-gala noong Biyernes ay ang pelikulang Kaka Sa Yawan (Brothers by the River) na entry ni Direk Alpha Habon.

Nagpapasalamat si Direk Alpha na sinuportahan ito ni direk Jeffrey Jeturian na isa sa tinitingala niyang direktor.

Maganda ang naririnig naming feedback sa naturang pelikula.

Napaka-heartwarming ng kuwento ng friendship ng batang taga-Maynila at batang Mangyan.

Pero ang isa sa interesting sa pelikulang ito ay ang magandang ipinakita nilang kultura ng mga Mangyan.

Ito naman talaga ang tinutukan ng naturang pelikula, kaya maingat si Direk Alpha sa pag-research, at halos isang taon niya itong tinutukan sa tulong ng National Commission on Indigenous Peoples o NCIP.

Mabuti at nandiyan daw ang NCIP at napaka-cooperative raw ng buong tribu ng Tadyawan na Mangyan.

“Merong representative ang NCIP ‘pag nagso-shoot po kami, and also the community, meron po kaming representative sa tabi po namin ‘pag nagso-shoot namin, to consult kung tama ba ‘yung ginagawa namin, ‘yung rituals na ginagawa,” tugon ni Direk Alpha.

Makulay raw kasi ang kultura ng mga Mangyan na napapanatili pa rin nila hanggang ngayon.

“May sensitivities din po ‘yung community that we have to follow according to the NCIP or the National Commission on Indigenous Peoples,” dagdag niyang pahayag.

Napanood nga namin doon sa pelikula ang ilang rituwal ng mga Mangyan, kagaya ng panganganak at paglibing sa kanilang mahal sa buhay.

So, meron silang rules to follow. So, kailangan very precise po ‘yung galawan namin na na-achieve naman namin because of that.

We want to represent them the best way that we could kasi the film naman is for them as well,” saad ni Direk Alpha Habon.

Kapansin-pansin din sa pelikulang ito ang galing ng batang si Bryce Nicolo Mercader.

Proud na proud ang lola niyang si Anna Liza Aklan ng Bryce Entertainment na siyang nag-produce ng naturang pelikula.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with