^

Police Metro

10 ‘Maleta Boys’ pinalaya sa piyansa

Ludy Bermudo - Pang-masa
10 ‘Maleta Boys’ pinalaya sa piyansa
Ilang oras lamang nanatili sa detention facility ng Las Piñas City Police Station ang 10 na inaresto nitong Biyernes ng hapon dahil sa kabiguang makahabol sa deadline ng pagbabayad ng itinakdang piyansa ng Las Pinas Regional Trial Court sa kasong 4-counts of perjury na may inirekomendang P18,000 sa bawat bilang.
Philstar.com / Martin Ramos

MANILA, Philippines — Pansamantalang pinalaya ng korte ang 10 pang “Maleta Boys” na mga dating bodyguard ni dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co matapos payagang maglagak ng piyansa nitong Sabado, Agosto 8.

Ilang oras lamang nanatili sa detention facility ng Las Piñas City Police Station ang 10 na inaresto nitong Biyernes ng hapon dahil sa kabiguang makahabol sa deadline ng pagbabayad ng itinakdang piyansa ng Las Pinas Regional Trial Court sa kasong 4-counts of perjury na may inirekomendang P18,000 sa bawat bilang.

Una nang nakapag­lagak ng piyansa ang tatlo sa 14 na natitirang “Maleta Boys” noong Biyernes, habang ang isa pa diumano ay umuwi sa lalawigan. Kaugnay naman ito sa ipinalabas na warrant of arrest noong Martes ni Las Pinas RTC Judge Kathryn Sabado sa kasong isinampa nina Rep. Leila De Lima, dating Senador Antonio Trillanes IV, dating National Security Adviser Eduardo Año, at Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr.

Umamin naman si Baligod na ang 14 na lang ang kanyang kinakatawan dahil ang apat sa nasabing grupo ay pawang nag-recant na sa mga sinumpaang-salaysay sa Office of the Ombudsman. Binawi nila ng unang mga testimonya nag-deliber sila ng male-maletang pera sa mga matataas na opisyal ng gobyerno kabilang sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, at dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez.

BOYS

MALETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with