^

PSN Showbiz

Marvin at Jolina, swak sa nostalgia vibe

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Marvin at Jolina, swak sa nostalgia vibe
Marvin Agustin at Jolina Magdangal
STAR/ File

Ang lakas ng nostalgia factor nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Pero andun pa rin cuteness and kilig sa kanila.

Ngayon ay nagbabalik-tambalan sila sa comedy show na Mommy Guard sa TV5.

Iconic loveteams na ang MarJo na sumikat noong dekada ‘90s sa  programang Gimik at mga pelikulang Labs Kita... Okey Ka Lang?, Flames: The Movie at Hey Babe.

Nauna na silang nagkaroon ng movie reunion, Ex Ex Lovers in 2025.

Usung-uso ngayon ang nostalgia vibe.

Kaya swak ang balik-tambalan sa TV ng MarJo.

Anyway, magkaiba man ang naging kapalaran nila, nag-asawa’t anak si Jolina, habang si Marvin naman ay tinutukan ang kanyang mga restaurant business, hindi sila nalilimutan ng fans.

“Natutuwa kami ni Marvin kasi ang mga nagmahal sa amin noong ‘90s ay nagmamahal pa rin hanggang ngayon at may bago na, ‘yong mga anak na nila ay minamahal na kami,” sey ni Jolens.

“Kumbaga, nakakatuwa kapag nakikita nila kami ni Marvin, yes, naaalala nila ang throwback, nostalgia, pero every time kaming magkakasama ni Marvin at mayroon kaming project na gagawin, excited kami kasi ‘yung kumbaga, ipinapakita namin as Marvin-Jolina and as MarJo,” chika pa ni Momshie Jolina.

Para naman kay Marvin ay masaya siya na hanggang ngayon ay andyan pa rin ang magic nila ni Jolens. “Noong nagpi-pictorial nga kami at ang cute-cute namin sabi ko nga kay Jolina, ‘Alam mo ba na 50 na tayo in two years?’ But ‘yung pagmamahal tulad ng sinasabi ni Jolina, I guess ‘yon ang hindi magbabago.”

“Mahal na mahal namin ang isa’t isa, mapa-personal man o mapa-trabaho. And that’s something I guess, kaya rin ‘yung magic na... natutuwa kami na nae-enjoy n’yo whenever we perform, ay nando’n pa rin,”  sabi pa aktor.

Sagot naman ni Jolens ulit: “Natutuwa ako kasi ‘pag nakikita nila ang Marvin-Jolina or ‘yung MarJo, talagang ando’n ‘yung saya sa puso nila at ayaw naming mawala iyon ni Marvin. Pero gusto rin naming iparamdam sa mga nanonood na ang aming samahan ay napapanahon. Kumbaga, nag-e-evolve rin.”

Ang saya trailer ng Mommy Guard kung saan kasama rin nila sina Cedrick Juan, Pearl Gonzales, Nathalie Apollo, Amo Wilding, Celyn David, Patrick Ballesteros and Roxanne Guinoo. Directed by Roman Perez, Jr., mapapanood na ito simula ngayong Setyembre.

JOLINA

MARVIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with