Bitoy, may pa-tribute kay Alex

Pinost ni Michael V sa kanyang Instagram account ang pencil sketch niya kay Alex Eala.
Makikita si Alex sa sketch ni Michael V na naka-side view, at may hawak na tennis racquet. Kahit pencil sketch lang ang ginawa ni Michael V, makikilala pa rin si Alex, ganu’n kahusay si Michael V. “NAKAKABILIB KA!!!” ang caption ni Michael V sa kanyang post na kinabiliban ng netizens. Comment na “Wooow,” “Amazing,” “Both GOAT,” “Nakakabilib sya pati ikaw kuya,” “Pareho kayong nakakabilib” “Lupit toybits,” “Nice, bumalik na po kayo sa pagdu-drawing” at “Angas talaga ni toybits wordplay” ang mababasa.
May nagtanong kay Michael kung ano na lang ang hindi niya kayang gawin dahil pinakyaw na raw niya lahat ang talent? May nagpaalala rin sa followers ni Michael V na gumawa rin siya ng pencil sketch kay Kobe Bryant nang pumanaw ang basketball player at pinuri rin ang husay ni Michael V.
Kris, may bagong chika
May teaser na ang pakikipag-collab ni Kris Aquino sa Netflix para sa isang promotional campaign.
Sa nasabing promo campaign, gagampanan ni Kris ang karakter ng isang C.H.I.K.A. (Chief Head of Insights and Kontent Analysis) with some bonggang upgrades to local shows, Krissy style.
Hindi muna nabanggit kung para sa anong promo campaign ang ginawa ni Kris, but later on, malalaman din na promo campaign ito ng different series sa television. May four photos na inilabas na ang text overlay na nakasulat ay “Ang ating August campaign?” “What’s your name?” at “I love it.” May video na rin ng mga series na kasalukuyang airing.
Kasama sa clip ang ilang eksena sa different local series at ipinakita ang A Secret In Prague ng TV5, Blood vs Duty ng ABS-CBN at The Master Cutter ng GMA 7 ni Dingdong Dantes. May kasama si Kris na nasa harap ng laptop at in-adjust ang iniuutos ni Kris.
Marthena, walang paki sa bashers
Nakausap ng press si Marthena Jickain sa Midyear Media & Trade Celebration ng TV5 dahil kasama siya ng Star Worx talents na nag-perform at sumayaw.
Okay naman daw siya nang kumustahin at patuloy na naghahanda sa projects na ibibigay sa kanya ng network.
Natanong siya sa bashers na namba-bash sa kanya at sabi, dedma siya sa mga ito.
Althea, lumayas na sa GMA
Umalis na sa GMA si Althea Ablan at lumipat sa Viva Artists Agency (VAA).
Kahapon ang kanyang contract signing at ipinakilala sa press na VAA artist na siya.
Dahil nasa VAA na si Althea, sumunod kaya sa kanya ang boyfriend na si Prince Clemente? In fact, gusto ng fans ni Prince na lumipat pa rin siya sa VAA para magkasama na sila ng GF at para may project sila together.
Mahusay na aktres si Althea, siguradong hindi lang TV show ang ibibigay sa kanya ng Viva, pati pelikula.
- Latest


























