Pangako ni Kyle, pumasok sa Billboard Philippines Hot 100

Patok sa netizens at music fans ang 2018 dance-pop single ni Kyle Echarri na Pangako, na kasalukuyang trending bilang dance challenge at lyric-video edit sa TikTok at ngayon ay pumasok na rin sa Hot 100 chart ng Billboard Philippines bilang no. 94. “This song is almost eight years old but thank you everyone who’s listening to it again,” post ni Kyle sa X.
Masaya namang sumagot ang fans ni Kyle at pinuri ang timeless appeal ng kanta at hinikayat din ang singer-actor, na unang nakilala bilang contestant sa The Voice Kids Philippines season 2, na maglabas muli ng album.
Mula ang Pangako sa komposisyon ni Gabriel Tagadtad, inareglo ni Theo Martel, at prinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos. Naging bahagi ito ng self-titled album ni Kyle na inilabas din noong 2018. Una niyang inawit ito nang live sa 2018 MYX Music Awards sa Araneta Coliseum.
Sa kasalukuyan ay umani na ng mahigit sa 23 million streams sa Spotify ang kanta habang mahigit sa 14 million views na ang nakuha ng official music video nito sa YouTube.
- Latest



















