^

Bansa

8 Pinoy teachers ligtas sa Thailand school shooting

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
8 Pinoy teachers ligtas sa Thailand school shooting
Sinabi ni Philippine Ambassador Millicent Cruz-Paredes, na lahat ng walong Filipino teachers sa Debsirin School Nonthaburi ay ligtas at walang natamong anumang injuries. Nasa “designated safe zone” din aniya ang mga guro.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ligtas ang walong gurong Pilipino matapos ang pamamaril sa isang paaralan malapit sa Bangkok, ngayong Biyernes ayon sa isang opisyal ng embahada.

Sinabi ni Philippine Ambassador Millicent Cruz-Paredes, na lahat ng walong Filipino teachers sa Debsirin School Nonthaburi ay ligtas at walang natamong anumang injuries. Nasa “designated safe zone” din aniya ang mga guro.

Ayon sa ulat, isang tinedyer ang suspek sa pamamaril na unang pumatay sa kanyang mga lolo’t lola bago namaril ng hindi bababa sa anim pang katao sa Debsirin Nonthaburi School sa lalawigan ng Nonthaburi.

Ayon sa pulisya, unang binaril ng tinedyer ang kanyang mga lolo’t lola gamit ang baril ng kanyang lolo bago nagtungo sa paaralan, kung saan napatay niya ang tatlong guro at tatlong estudyante. Iniulat din na 15  estudyante ang nasugatan habang tumatakas, pero hindi naman dahil sa tama ng bala.

Kinilala ang suspek bilang isang estudyante rin ng naturang paaralan at iniulat ding nasawi. May ilang ulat na nagsabing nabaril at napatay ng mga pulis ang suspek, habang may iba namang nagsabing nagpakamatay ito.

SUSPEK

THAILAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with