Eala hahataw ng round of 16 spot

Kontra McNally
MANILA, Philippines — Target ni Alex Eala na maipagpatuloy ang matikas na ratsada nito sa pagsagupa kay American netter Caty McNally sa Round of 32 ng National Bank Open sa Toronto, Canada.
Magtatagpo sina Eala at McNally sa alas-8:10 ng umaga (oras sa Maynila) sa Sobeys Stadium Centre Court na inaasahang muling dudumugin ng mga Pinoy fans.
Mataas ang moral ni Eala na galing sa matamis na panalo laban kay Alycia Parks ng Amerika, 6-1, 4-6, 6-2, sa second round.
Hindi nakitaan ng pagod si Eala dahil kumukuha ito ng lakas sa mga libu-libong kababayan nitong sumusuporta sa kaniya sa venue.
“Sobrang saya. Super fun, so excited, so much energy. Ok naman ang katawan ko. I’m good,” ani Eala.
Mapapalaban si Eala dahil hindi biro kalaban si McNally na fighter din.
Pinataob ni McNally si reigning Wimbledon champion Linda Noskova sa iskor na 7-6 (5), 6-1.
Alam din ni McNally ang suportang natatanggap ni Eala sa mga Pinoy fans ngunit handa itong gawin ang lahat upang makuha ang panalo.
“What she’s doing for tennis is unreal. Selling out stadiums. For me, this experience is a win-win. Someone’s gonna learn from it. She’s been playing some good tennis and hopefully it’s a great crowd an a great atmosphere,” ani McNally.
Ito ang unang paghaharap nina Eala at McNally.
Kung sinuman ang mananalo sa dalawa ang siyang haharap sa magwawagi kina 12th seed Belinda Bencic ng Switzerland at Taylor Townsend ng Amerika.
Hindi naman pinalad sina Eala at dating Grand Slam champion Venus Williams sa doubles matapos maagang mamaalam sa kontensiyon.
Lumasap sina Eala at Williams ng 4-6, 3-6, kabiguan Kina Liudmila Samsonova ng Russia at Miyu Kato ng Japan sa opening round kahapon.
- Latest



















