^

PSN Showbiz

Sexbomb, may misyon sa Abu Dhabi!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Sexbomb, may misyon sa Abu Dhabi!
Sexbomb Girls
STAR / File

Ang nagbabalik na Sexbomb Girls, na pinangungunahan ng isa sa original members ng grupo na si Rochelle Pangilinan, ay siyang kauna-unahang Filipino act na magtatanghal sa iconic venue na Etihad Arena in Abu Dhabi na mangyayari sa darating na Sabado, Aug. 8, 2026.

Kapag napuno ng grupo ang Etihad Arena ay gagawa ng kasaysayan ang Sexbomb Girls sa nasabing lugar.

Magmula nang magkaroon ng sold-out reunion concerts ang grupo sa Big Dome (Araneta Coliseum) sa loob ng dalawang gabi na sinundan ng ilang araw pang sold-out concerts sa SM MOA Arena last February, ang grupo ay kasalukuyang may concert tour sa iba’t ibang bansa including USA, Canada, Australia, Middle East at iba pang lugar.

Ang Sexbomb Girls ay binuo nung 1999 ng dancer-choreographer na si Joy Cancio na siya ring tumayong manager ng grupo ng maraming taon hanggang tuluyan nang ma-disband ang grupo at nagkani-kanya na sila ng direksyon since then.

Nakilala nang husto ang grupo nang sila’y maging in-house dance group ng longest-running noontime show, ang Eat Bulaga.

Bukod sa may kani-kanyang pamilya na ang mga miyembro ng grupo, si Rochelle ang nakaisip ng reunion concert ng Sexbomb Girls na hindi naman nila sukat akalain na tatangkilikin pala nang husto ng audience na tila nasabik din sa kanilang muling pagbabalik sa entablado.

Ang Sexbomb ay nakilala hindi lamang sa husay nilang sumayaw kundi maging sa kanilang mga pinasikat na awitin tulad ng The Spageti Song, Halukay Ube, Bakit Papa, Sige Na, Daisy Siete, Crush Kita, Tong Song, Tulog Na Baby, Venus, Di Ko Mapigilan at iba pa.

Sa group members, si Rochelle ang pinakaaktibo bilang aktres.

Rochelle is married sa dancer-turned actor na si Arthur Solinap at meron silang isang anak na babae si Shiloh Jayne (7).

Fil-Am actress na bumida sa Spider-Man, pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang Filipino-American actress na si Mary Rivera na sa Hawaii naka-base. Siya’y pumanaw matapos ma-stroke nung nakaraang April 15, 2026 sa edad na 82.

Siya ay tubong Iloilo City at isinilang nung June 2, 1943.

A retired church missionary, siya ay nag-audition para sa role ng grandmother ni Ned na ginampanan naman ng actor na si Jacob Batalon sa pelikulang Spider-Man: No Way Home na pinagbidahan ni Tom Holland nung 2021 and considered the highest-grossing film nung taon na ‘yon. She was so proud of her role and her inclusion sa world-wide hit movie.

Iniwan ni Mary ang kanyang husband at mga anak, 11 apo at apat na apo sa tuhod.

SEXBOMB GIRLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with