^

Probinsiya

P15.1 milyong yosi nasabat, 3 arestado

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
P15.1 milyong yosi nasabat, 3 arestado
Nasamsam ang P15.1-M na ilegal na sigarilyo at daing sa Barangay Looc, Dumaguete City, Negros Oriental.
Ed Amoroso

Negros Oriental CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nasa 263 master cases na naglalaman ng mga ilegal na kontrabandong sigarilyo at 200 kahon ng pinatuyong isda na tinatayang mahigit na P15.1 milyon makaraang maaresto ang tatlong indibidwal sa isinagawang anti-smuggling operation sa loob ng port area compound sa Barangay Looc, Dumaguete City, Negros Oriental, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Brig. Gen. Roman Cardiño, Negros Island Region police director, ang mga suspek na sina Jear Masayon, 32; mga kasabwat nito na sina Jovanie Meria, 22; at Alfad Asari, 27; pawang mga residente ng Pagadian City, Zamboanga del Sur. Sa ulat ni Cardiño na ang mga kontrabando ay isinakay sa pamamagitan ng Roro boat na nagmula sa Pagadian City upang ihatid or i-deliver sa Dumaguete City.

Paalis na sana sa Dumaguete port area ang isang green canter truck (ZAG-5869) na may kargang mga ipinagbabawal na smuggled na sigarilyo at tuyong isda na “Tamban” at minamaneho ni Masayon nang harangin ng magkasanib na puwersa mula sa mga ope­ratiba ng Negros Oriental sa suporta ng mga coast guard at mga tauhan ng Regional Intelligence Division-NoR ang trak, noong Miyerkules ng alas-7 ng hapon.

Narekober mula sa cargo truck ang 263 master cases na binubuo ng animnapu’t walong master cases ng Walter Premium Cigarettes at 195 master cases ng Busqu Full Flavor Cigarettes, na may kabuuang P15,069,900, Green Canter Truck, at hindi bababa sa 200 kahon ng tuyong isda na “Tamban” na may tinatayang halagang P90,000.

NEGROS ORIENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with