^

PM Sports

Road Warriors iiwas masagasaan ng Dyip

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — NLEX na lang ang natatanging koponan na walang galos sa PBA Season 50 Governors’ Cup -- at wala silang planong madungisan kahit pa kontra sa palabang Terrafirma sa pagpapatuloy ng aksyon ngayon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Itataya ng Road Warriors ang 6-0 kartada nito sa Group A kontra sa Dyip (2-4) sa pambungad na duwelo sa alas-5:15 ng hapon bago ang krusyal ding bangaan ng Magnolia (2-3) at Meralco (2-4) na nagkukumahog namang hindi maiwan sa karera ng Group B.

Matapos sagasaan ang unang 5 karibal, pinatunayan ng bagong-bihis na NLEX ang kalibre nito bilang bagong title challenger sa mando ni dating NBA assistant coach Jimmy Alapag nang isama rin listahan ang reigning champion na TNT, 88-83, para mawalis ang 1st round.

Subalit sa kabila nito, ayaw pa rin pakampante ni Alapag lalo’t walang silbi ang elimination rounds kung hindi nila ito maduduplika sa playoffs, kung saan namumuro silang makapasok na agad tampok ang Top 4 teams na papasok sa crossover quarterfinals kontra sa Group A.

“It’s not easy to win six in a row in the PBA but then again, there’s still so much work to be done,” babala ni Alapag matapos talunin ang dati niyang koponan na Talk ‘N Text, kung saan siya umukit ng ma-alamat na karera, sa gabay ng dati niya ring head coach sa Tropang 5G at Gilas Pilipinas na si Chot Reyes.

Ito rin ang iaatas ng import na si DeQuan Jones lalo’t muntikan pa silang masilat ng Dyip sa 1st round, 101-100.

Sasandal si Jones sa pambatong local crew ni Alapag sa trangko nina Robert Bolick, Schonny Winston, Anthony Seme­rad, Kevin Alas, JB Bahio, Enoch Valdez at L-Jay Gonzales.

 Bagama’t bigating paborito, hindi pa rin magi­ging madali na makaulit ng panalo ang Road Warriors kontra sa Dyip na gigil maiganti ang dikit na 96-92 pagkatalo kontra sa Macau sa pagtatapos ng 1st round.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with