Jobless Pinoy tumaas sa 2.59 milyon

MANILA, Philippines — Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa sa 2.59 milyon nitong Hunyo 2026, katumbas ng 4.9% unemployment rate, batay sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas kahapon.
Ayon kay National Statistician and Civil Registrar General Dennis Mapa, ang June 2026 unemployment rate ay mas mataas ng 3.7% kumpara noong June 2025 na 1.95 milyong jobless Pinoys at Mayo 2026 na 2.50 milyong unemployed.
Sa kabila ng pagtaas ng unemployment, lumawak ang labor force sa 53.25 milyon nitong Hunyo 2026 mula sa 52.42 milyon noong Hunyo 2025 at 52.13 milyon noong Mayo 2026.
Ang bilang ng may trabaho ay umabot sa 50.66 milyon nitong Hunyo 2026. Nasa 6.11 milyon ang underemployed o mga manggagawang nais madagdagan ang oras ng trabaho.
- Latest



















