^

Bansa

Pangulong Marcos inalerto mga ahensiya kay Maymay

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magpatupad ng full alert status dahil sa banta ng Bagyong Maymay at pinalakas na southwest monsoon o habagat.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ipinag-utos ng Pangulo ang agarang pagpapatupad ng mga hakbang sa pagtugon sa kalamidad upang mabawasan ang epekto ng bagyo at maprotektahan ang mga komunidad na pinaka-apektado.

Isinailalim na sa full alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), habang ipinatutupad na rin ng lahat ng miyembro ng ahensiya ang mga kinakailangang hakbang para sa mabilis at magkakaugnay na pagtugon.

Kabilang sa direktiba ang mahigpit na preemptive evacuation sa mga lugar na mada­ling bahain, landslide-prone ­areas, at mga komunidad na malapit sa baybaying dagat.

Sa Metro Manila, nakapuwesto na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa pamumuno ni Chairman Romando “Don” Artes, ng mga rescue personnel at kagamitan. Mahigpit din itong nakikipag-ugnayan sa mga ­disaster risk reduction offices at sa 17 local government units sa National Capital Region.

Ayon kay Castro, gu­magana ang lahat ng 73 pumping stations sa Metro Manila, nakaantabay ang mga mobile pumping units, at isinasagawa na ang preemptive pumping ­operations upang mapataas ang kapasidad ng mga daluyan ng tubig at maiwasan ang pagbaha.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with