BIR pinalawak pa mga gamot na VAT exempted
MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng pamahalaan na ipagpatuloy ang healthcare program na accessible at affordable ang mga gamot ay nag-isyu ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na palawakin pa ang mga gamot na Value Added Tax (VAT) exempt.
Ito ang sinabi BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza na base na rin sa naging rekomendasyon ng Food and Drug Administration (FDA).
Narito ang updated list ng BIR para sa gamot para sa iba’t ibang karamdaman: Cancer–708 medicines; Hypertension-537 medicines; Diabetes-331 medicines; Mental Illness– 300 medicines; High Cholesterol-172 medicines; Kidney Disease – 152 medicines at Tuberculosis – 77 medicines.
- Latest
















